Dusa rin pala ang inaabot ng aktor na boyfriend ng isang actress na anak ng sikat.
Aba hindi lang daw isang beses, pero nakakailang beses na tuwing dadalaw sa bahay ng pamilya ng actress ang actor ay nabubutas ang gulong ng sasakyan ng actor. Sa umpisa raw ay hindi pa ramdam na butas ang gulong ng sasakyan pero habang nagmamaneho raw ito, pauwi ng bahay nila, saka lang nito mararamdaman na may pako ang gulong ng kanyang sasakyan at hindi na puwedeng imaneho at kailangan agad palitan. Or else magra-running flat siya.
Ayaw mag-isip ng masama ng kampo ng actor, pero gulat silang consistent ang nangyayari. Binubura na lang nila sa kanilang utak na sinasadya ng malalapit sa aktres na butasin ang gulong ng kotse niya para ma-discourage ang actor. Pero wala raw sa isip ng actor na sumuko sa girlfriend. In love na in love raw ito at walang makakapigil harangan man ng sibat.
Hindi gaanong makalantad ang magkarelasyon dahil may kanya-kanya silang loveteam.
Reklamo ng GMA 7, ipinaklaro ng Skycable sa NTC
Idinenay ni Mr. Ray Montinola, Chief Operationg Officer (COO) ng Skycable na sinadya nila ang problema ng signal sa Channel 11 (Shop TV), Channel 12 (GMA 7), at Channel 13 (Preview) two weeks ago na ikinomplain ni Ms. Annette Gozon-Abrogar sa kanyang Twitter account. Nag-a-upgrade raw kasi sila at aminado siyang talagang lumabo ang signal ng tatlong channel as in bad signal last September 23. Ang nakita raw nilang nangyari ay may koneksiyon sa ginagawa nilang pag-a-upgrade sa connections para tuluyang maging digital ang buong Metro Manila na siya ngayong tinututukan nila at hindi sinadya na ang GMA 7 ang natamaan.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagreklamo ang GMA 7 tungkol sa isyu ng signal. Kaya ang ginawa ng Skycable, lumapit sila sa National Telecommunication Company (NTC) para ipa-check ang signal nila. At binigyan naman sila ng certificate. “We strive to ensure that all Skycable channels airs are at the best quality possible, and we are happy that the NTC report validates this,” sabi niya.
Anyway, last June pa nabili ng Skycable ang Destiny Cable Inc. na dating kalaban nila.
Kasama sa Destiny Cable Inc. sa nabili nila ang Solid Broadband (SBC) at Uni-Cable TV Inc. (UNI). So lahat ng subscriber ng mga nabanggit na kumpanya ay napunta na sa SkyCable. Ayon sa previous interview ni Mr. David Lim, presidente ng tatlong kumpanya at may-ari ng MyPhone, mas mabibigyan ng Skycable ng mas maayos na serbisyo ang mga subscriber nila dahil wala naman silang resources para maging digital.
Ang SkyCable HD ang tinututukan ngayon nila Mr. Montinola. Meron silang mga ino-offer na discount pag nag-upgrade kayo ng subscription.
Sa ngayon ay merong 17 channels ang HD nila na libre for 15 days – kasama rito ang ESPN HD, NBA Premium TV, HBO Hits, HBO HD, Fox Movies Premium, Discovery World, Cartoon Network , Fox, Fox Family Movies, Fox Crime, History, F, ASN, Starworld, Outdoor Channel, Sky Cable Sneak Peek.
Open ang promo nila sa lahat ng Gold, Silver, Sky499 at Sky280 subscribers at kailangang nakatira sa Metro Manila (Las Pinas, Makati, Manila, Mandaluyong, Muntinlupa, Quezon City, Pasig Paranaque and San Juan) at ibang lugar na HD-serviceable area/location.
Nagsimula ang promo nila last July 17 pa at hanggang October 16 na lang.
Regine excited sa bagong responsibilidad
Ngayong Sabado na mag-uumpisa si Asia ’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa pinakabago niyang programa sa Kapuso Network, ang Sarap Diva!
Mas makulay na nga ang papel ni Regine sa tunay na buhay. Hindi na lang siya basta diva, isa na siyang maybahay at ina! Excited siya na mapag-aralan ang mga magiging bago niyang responsibilidad sa kanyang pamilya. Kaya sa bago niyang tahanan tuwing Sabado ng umaga, makakasama natin siyang matutong maghanda ng masasarap na pagsasaluhan para sa kanyang mga bisita.
Ang buena manong handog ni Regine ay magluluto siya ng seabass, isa sa paboritong ulam ni Ogie Alcasid. At ang titikim kung pasado ang kanyang seafood recipe, walang iba kundi isang Master Chef – si Kusina Master Chef Boy Logro! Bilang kauna-unahang bisita, may baon din siyang recipe para kay Regine: hindi basta-bastang version ng adobo. Sobrang espesyal ng adobo na ito dahil ang unang taong napabilib sa lasa nito ay ang dating boss ni Master Chef na nagpabago sa kanyang cooking career, ang Sultan ng Oman lang naman!
Maliban sa hari ng kusina, isa pang reyna ang may ituturong special dish kay Regine – ang reyna ng newsroom na si Jessica Soho. At habang inihahanda ng news icon ang Ilocano specialty n’yang pinakbet, si Regine naman ang mangunguna sa tanungan kabilang ang ilang bukingan tungkol sa tinatago palang galing sa kusina ni Jessica.
Sarap ng kuwentuhan, sarap ng kainan, sarap ng kantahan, ‘yan ang ihahain ni Regine sa Sarap Diva tuwing Sabado ng umaga, 10:45am bago mag-Eat Bulaga sa GMA.