Zaijian at Carmina magreregalo sa fans

MANILA, Philippines - Puno ng aral at inspirasyon ang finale week ng top-rating Primetime Bida drama series ng ABS-CBN na Lorenzo’s Time. Eere ang huling episode ng teleseryeng pinagbibidahan nina Zaijian Jaranilla at Carmina Villaroel ngayong Biyernes (Oktubre 5).

Labis ang pasasalamat ni Zaijan sa mga manonood na tatlong buwang sinubaybayan ang kuwento ng karakter niyang si Enzo.

“Thank you po sa pagsuporta. Sana po marami kayong napulot na aral sa buhay ni Enzo,” pahayag ng Kapamilya child wonder.

 Samantala, ayon kay Carmina, marami pang dapat tutukan sa mga huling gabi ng Lorenzo’s Time. Aniya, “Sa final week namin, marami pang revelations. Abangan n’yo po kung paano gugugulin ni Lorenzo ang mga huling panahon at oras niya kasama ang mga mahal niya sa buhay.”

 Bukod kina Zaijan at Carmina, bahagi rin ng cast ng Lorenzo’s Time sina Ms. Gina Pareño, Joel Torre, Alfred Vargas, James Blanco, Rommel Padilla, Tess Antonio, Kakai Bautista, Gerard Acao, Vino Martinez, Belle Mariano, at Amy Austria-Ventura. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Jerome Chavez Pobocan at Tots Mariscal Sanchez.

 Huwag palampasin ang timeless finale ng top-rating Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN ng Lorenzo’s Time, gabi-gabi, pagkatapos ng Walang Hanggan.

Show comments