Kahit parehong hindi kakandidato
Dalawang aktres may giyera sa pulitika!
Nagsasagutan sa Twitter sina aktres A & A at kung magpapatuloy ito, hindi malayong lumaki at muling mabuhay ang matagal na nilang conflict. Hindi naman siguro sakop ng Cybercrime ang palitan nila ng tweets ‘no!
Nagsimula ang iringan ng dalawa nang mabalitaan ni Actress A (AA) na tinanong ni Actress B (AB), kung tatakbo siya sa 2013 elections at kung tinatanong nito kung tatakbo rin siya dahil tatakbo si AB.
Kaya nag-tweet si AA ng “Bakit kaya till now iniisip n’ya that we even mind talking about her? When I’m not even interested. Why in the world would I even be interested? Will just ask God for peace & let go of grudges to make life easier. But I hope you do the same as you claim that you are happy and content.”
Sumagot si AB ng tweet din at sabi nito: “OMG! SAAN KA NA NAGMANA? NAAAWA AKO SAYO NAPAKATAAS NG LIPAD MO. GRABE TIGILAN MO NA KAMI.”
Politics related ang isyu, nagtataka si AA kung bakit naka-depende sa kanya ang pagtakbo ni AB? ‘Yun pala hindi sila parehong tatakbo. ‘Kaloka ang dalawa!
Max kamukha ni Salma Hayek
Kamukha ng Mexican actress na si Salma Hayek si Max Collins, talent ni Perry Lansigan, contract star ng GMA 7 at kasama sa cast ng Coffee Prince. Aminado si Max na ginagaya niya ang make-up ng Mexican actress pati yata hair style.
Feeling blessed si Max na after one afternoon soap, isinama siya sa primetime soap, her first in six years. Kabado siya at excited at the same time at ‘di takot sa slight kontrabida role at ‘di niya aapihin si Kris Bernal dito.
Pag-aagawan nina Aljur Abrenica at Benjamin Alves si Max, pero sa huli siya may kissing scene. Tinutukso sila’t inamin ni Benjamin na crush niya ang dalaga. Sa Monday, after Luna Blanca na ang pilot ng Coffee Prince sa direction ni Ricky Davao.
Agot lagare sa GMA 7
Two years at two soaps per year ang kontrata ni Agot Isidro sa GMA Network, pero first year pa lang, three soaps na ang magagawa. Una ang magtatapos ngayong gabi na One True Love, nag-taping na rin siya ng Indio at magti-taping na ng Mariposa.
Special participation si Agot sa Indio at kahit nagsimula na ang taping, sa January next year pa ang airing. Mauuna siyang mapanood sa Mariposa sa role na magpapalaki sa karakter ni Barbie Forteza.
Kasama na rin si Agot sa cast ng Sossy Problems, entry ng GMA Films sa MMFF at si Andoy Ranay din ang director. Hindi lang alam ng manager niyang si Shirley Kuan kung ano ang role ng aktres sa pelikula.
Samantala, maganda ang ending ni Leila, karakter ni Agot sa One True Love dahil hindi sinunod ang hiling ni Elize (Louise delos Reyes) na makipagbalikan kay Carlos (Raymond Bagatsing). Hindi pinatawad ni Leila si Carlos hanggang namatay si Elize.
Alay Tawa ng 7 tinutukan
Kung pagbabatayan ang household shares ng NUTAM ng AGB Nielsen mas pinanood ang simultaneous airing ng Dolphy Alay Tawa ng GMA Network dahil nakakuha ng 35.2 points versus 32.8 points ng ABS-CBN at 8.5 points ng TV5. Of course, iba ang result ng ratings ng Kantar Media.
Isa pang good news sa GMA Network, ang finalist sa 2012 Cinemalaya New Breed Full-Length Feature Category film Oros na tinampukan ng Kapuso stars na sina Kristoffer Martin, Diva Montelaba, at Kim Komatsu ay i-screen this Friday sa 2012 Asiatica Festival sa Rome, Italy. Sa direction ni Paul Sta. Ana, co-producer ng movie si Joey Abacan ng GMA Films.
- Latest