^

PSN Showbiz

Marian ayaw na namang tantanan ng mga maninira!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Sa October 29 pa ang airing ng Temptation of Wife at November ang pilot ng Extra Challenge, pero sunud-sunod na ang intriga ni Marian Rivera at ang nakakaloka, hindi nito alam na may mga isyu sa kanya.

Lalong hindi nito alam na pinag-aaway sila ni Isabelle Daza. Hindi pa naging sapat ang pahayag ni Dingdong Dantes tungkol sa kanila ni Isabelle na very much taken kaya nakakagulat iugnay sa kanya. Hindi matutuwa ang French BF nitong si Adrien Semblat na inili-link sa iba ang GF.

Ang latest, tinanggihan daw ni Marian si Isabelle na makasama sa pelikula. Anong project kaya ‘yun?  Shelved ang movie nina Marian at Coco Martin, wala sa cast ng Sossy Problems si Marian para tangghihan si Isabelle na sa Star Cinema gagawa ng movie kasama sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Sa pelikulang sisimulan ni Marian sa Regal at GMA Films, wala naman sa cast si Isabelle, paano pumasok ang tanggihan isyu? Sa October 13 na pala ang storycon at pictorial ng still untitled movie ni Marian. Next year ang playdate ng rom-com movie kapareha ang isang guwapong aktor.

Wala rin siyang dapat ika-offend sa interview ni Gloria Diaz lalo’t sinabi nitong wala siyang dapat ipagselos kay Isabelle dahil ang ganda-ganda niya.

JERICHO HINDI NAGPAPIGIL

Kaswal ang launching ng Korona album ni Jericho Rosales under Star Records dahil walang presidential table at sa couch lang nakaupo ang actor/singer-songwriter at nakapaligid ang press habang sinasagot ang mga tanong tungkol sa kanyang album.

Nagpaka-prolific si Echo sa album dahil sa eight tracks, six songs ang compositions niya kabilang ang Kasama Ka, Halaga at ang rain songs na Paboritong Tag-ulan  at Bumuhos Man ang Ulan. Pangako nito, ang next album niya, walang song tungkol sa ulan.

Second solo album na ito ni Echo at aware na may natitira pang three percent na ‘di siya tanggap na singer. Hindi nito makalimutan ang dialogue na “mag-artista ka na lang” ng ilang ta­lent managers nang bigyan niya ng CD ng first album. Hindi siya na-offend at pinatunayang he has what it takes to be a singer and a recording star.

Aalis pala ngayong araw si Jericho para dumalo sa Busan International Film Festival sa Korea dahil i-screen ang Alagwa, ang pelikulang bida at co-producer siya.

CAREER NI RYZA

TINALBUGAN NA NI LJ

Magkasama na sa Aso ni San Roque ang mag-bestfriends na sina LJ Reyes at Ryza Cenon na parehong produkto ng StarStruck 2. Si Ryza ang female winner at runner-up lang niya si LJ, pero mas maganda ang career ni LJ ngayon. Bida ito sa GMA 7 soap at gumagawa ng pelikula, ang latest ay Tiktik: The Aswang Chronicles.

Sabi ni Ryza, okay siya sa mga ibinibigay na role ng GMA 7, pero dream pa rin niyang mabig­yan ng lead role at hindit kontrabida at patuloy siyang­ maghihintay pagdating ng araw na maki-claim niyang bida na siya.

May kulang kay Ryza at siguro naman alam niya ito. Kailangan sigurong gawin niyang public ang relasyon sa BF niya para mas maraming napag-uusapan at kung mag-asawa’t magkaanak na kaya siya? Joke lang!

   

ADRIEN SEMBLAT

ASWANG CHRONICLES

BUMUHOS MAN

BUSAN INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

COCO MARTIN

DINGDONG DANTES

GLORIA DIAZ

ISABELLE DAZA

JERICHO ROSALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with