Puerto Princesa nag-iimbita ng mga bisita

MANILA, Philippines - Mula nang tanghaling isa sa New Seven Wonders of Nature” ng UNESCO ang Subterranean Underground Ri­ver ay marami na ang naakit na bumisita sa Puerto Prin­cesa, Palawan.

Kasama ang mga members ng Life and Style with Ricky Reyes crew ay lumipad doon si Mader Ricky Reyes.

Sa naturang biyahe ay lumibot din ang tropa sa Plaza Cuartel, Honda Bay, Ugong Rock, Iwahig Penal Colony atbp.

Darayo rin sila sa Vietnamese Village na naging taguan ng Viet refugees nung 1970’s. Sasampulan ni Mader ang orig Viet food na luto ng oldest chef sa naturang lugar.

Kasama ni Mader sa larawan ang may- ari ng pinakamodernong bakasyunan duon na Sheridan Beach Resort and Spa. Super sa ganda ang resort na nasa pusod ng Sabang Beach. Ito’y ‘di lang pang- honeymooners kungdi pampamilya pa.

Ang LSRR ay napapanood tuwing sabado sa GMA News TV alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga.

Show comments