MANILA, Philippines -Mananatiling Kapuso si pound-for-pound King Manny “Pacman” Pacquiao matapos siyang pumirma muli ng kontrata sa GMA Network.
Ikinatuwa ng GMA ang ipinakitang katapatan ni Pacman at patunay lamang ito na hindi niya lilisanin ang bakuran ng Kapuso Network.
Sa kabila ng mga naglalabasang ispekulasyon at balitang lilipat siya ng istasyon, masayang ibinalita ng Pambansang Kamao na masaya siya sa takbo ng kanyang career sa GMA at patuloy na maghahatid ng kasiyahan at magbibigay ng papremyo sa ating mga kababayan sa kanyang programang Manny Many Prizes.
Samantala, magsisimula na ang paghahanda ni Pacman para sa kanyang nalalapit na laban ngayong Disyembre.