^

PSN Showbiz

Princess and I tinutukan nang husto noong Setyembre!

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Panalo pa rin ang ABS-CBN matapos manguna sa nationwide TV viewing sa urban at rural homes nitong Setyembre. Nagtala ang ABS-CBN ng 42%, o mas mataas ng sampung puntos sa 32% ng GMA, base sa datos ng Kantar Media.

Ayon sa talaan nang pinagsamang resulta ng serbey sa urban at rural areas sa bansa ng Kantar Media, patuloy ang paglakas ng Kapamilya network mula Hunyo hanggang Set­yembre ngayong taon sa average national audience share nitong 42% kumpara sa 31% ng GMA.  Mas pina­lawak ng Kantar Media ang pagkalap nito ng datos na basehan ng TV ratings measurement kasama ang rural homes simula nitong Hunyo.

Namayagpag din ang kanilang Primetime Bida sa mga oras na ito (6:00 PM – 12:00 MN), kung saan pinakamaraming nanonood kung kaya’t importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.

Para sa buwan ng Setyembre, mas tinututukan ang primetime block ng ABS-CBN na nakapagtala ng national audience share na 48% o 18 puntos na mas mataas sa 30% ng GMA. Maging sa buong Luzon ay wagi rin ito kung saan ito pumalo ng 43%; sa Visayas na may 55%, at sa Mindanao kung saan nagtala ito ng 62.

Labintatlo naman sa listahan ng 15 pinakapapanood na programa noong nakaraang buwan ang nakuha ng ABS-CBN. Ang royal teleserye na Princess and I, na sinubaybayan ng mga Pilipino hanggang sa matuklasang si Mikay (Kathryn Bernardo) ang nawawalang prinsesa ng Yangdon, ang siya nang numero unong programa sa bansa sa national TV rating na 37.7%. 

Walang hanggan din ang suporta ng sambayanan sa Walang Hanggan sa nakuha nitong 36.6% na national TV rating, habang ang weekend programs namang Wansapanataym at Maalala Mo Kaya ang nakakuha sa ikatlo at ikaapat na puwesto sa top 15 programs at parehong pumalo ng national TV rating na 33.8%. 

Samantala, TV Patrol pa rin ang nag-iisang newscast na pasok sa top 15 prog­rams at nananatiling numero uno sa average TV rating na 32.5% o siyam na puntos na mas mataas sa 24 Oras (18.1%) ng GMA. Lumakas din ang Aryana sa 24.5% mula sa 22.2% noong nakaraang buwan.

Ang iba pang Kapamilya programs na nasa top 15 ay Kapamilya Deal or No Deal (26.8%), Rated K (25.9%), Goin’ Bulilit (23.2%), Be Careful with My Heart (22.9%), Lorenzo’s Time (19.6%), Sarah G. Live (19.4%), at The X Factor Philippines tuwing Sabado (18.7%).

vuukle comment

BE CAREFUL

HUNYO

KANTAR MEDIA

KAPAMILYA

KAPAMILYA DEAL

KATHRYN BERNARDO

MAALALA MO KAYA

MY HEART

NO DEAL

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with