^

PSN Showbiz

Kahit nilalait, Jericho itinuloy ang pagkanta

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Korona ang titulo ng pinakabagong solo album ni Jericho Rosales. Ito ang naisip niyang itawag sa 9 track album na ang anim na kanta na nakapaloob dito ay kinompos niya.

“Korona ang naisip kong gawing titulo dahil inihahandog ko ito sa Panginoon. Lahat ng mga ginagawa ko ay inialay ko sa Kanya. Sa Kanya ang album na ito. Siya ang Hari, ” aniya, sabay sabing ang ideya ay nanggaling sa potograpong si Xander Ange­les na nakunan ang isang patak ng ulan na nang tumalbog mula sa lupa ay nagkahugis korona na para sa aktor at singer ay nangangahulugan ng pagbabalik sa Diyos ng lahat ng biyayang ibinigay Nito.

Tampok sa album ang mga orihinal na alternative OPM songs na ginawa ni Echo kasama si Butch Elizalde,  tulad ng Kasama Ka, Halaga, Pusong Ligaw. Ang Bumuhos Man ang Ulan ay prodyus at ginawan ng areglo ni Gabriel Valenciano. Ang Dahil Sa Pag-ibig ay theme song ng serye na ginawa niya sa ABS-CBN na may kapareho ring titulo at kung saan ay nakasama niya si Piolo Pascual. Naka-duet naman niya ang singer na si Julieanne sa isang bersyon ng Paboritong Tag-ulan. Ang iba pang cuts ng Korona ay ang isa pang bersyon ng Paboritong Tag-ulan na nilapatan naman ng musika ni Jonathan Manalo. Bahagi rin ng album ang revival niya ng Kamusta Ka aking Mahal ni Freddie Aguilar at Makita Kang Muli ng Sugarfree.

Bagaman at tumatanggap siya ng mga kritisismo sa kanyang pagkanta at may nagsasabi rin na umarte na lang siya at huwag nang kumanta, nararamdaman ng aktor na marami na rin ang tumatanggap sa kanya bilang isang singer. Marami rin sa mga nanlalait sa kanya ay nagmemeari na ng mga album niya.

“Ginagamit na ng Star Cinema ang mga compositions ko hindi lamang sa teleserye nila sa TV (Bumuhos Man Ang Ulan sa Green Rose at Dahil Sa Pag-ibig) kundi maging sa pelikula rin. Hinihingan nga akong muli ni Jonathan Manalo ng kanta na gagamitin sa isa pang pelikula,” pagmamalaki ng aktor na paminsan-minsan ay nakikipag-jamming sa banda niya kahit nalansag na ito.

Kung papipiliin ito sa kanyang pag-arte at pagkanta, mas pipiliin niya ang huli. “I’m more of a singer. Nasa pamilya ko ang pagkanta. My mom sings Kundiman in Visayan. Also, my brother. Sa pagkanta mas mabilis makita ang reaksyon ng mga nanonood at nakikinig sa akin. Pero gusto ko ring umarte, mas sa pelikula kaysa sa TV,” pagtatapat niya.

Bukod sa paggawa ng album, gagawa na naman siya ng teleserye. Kasama niya sina Judy Ann Santos at Sam Milby sa Against All Odds. May ginawa rin siyang isang indie, ang Alagwa. Tungkol ito sa human trafficking at kasama niya ang child star na si Bugoy Carino. Gusto rin niyang makapagdirek ng isang comedy. “Yung may values,” sabi niya.

Maganda ang love life ni Jericho.  Kung siya ay maraming ginagawa, ganundin ang girlfriend niya na si Kim Jones.

Pero kahit busy ang girlfriend ay nakatapos na ng workshop sa acting at maging sa Tagalog. Minsan ay sinorpresa nito ang aktor nang mag-monologue ito na may kasama pang luha. Hindi kinumpirma ng aktor ang nababalitang pagpapakasal nila pero sinabi niyang, “Patuloy ako sa pagpapatunay sa kanya na isa akong responsableng lalaki.”

Gov. ER ayaw mag-celebrate ng 49th birthday

Nakaka-apat ng Best Actor si Laguna Governor ER Ejercito para sa Asiong Salonga. Ipinagkaloob ito sa kanya ng PMPC Star Awards, Pa­sado Awards, Luna Awards, at FAMAS. Masaya siya dahil isa siya sa kakaunting public servants na napagsasabay ang kanilang trabaho at pag-aartista. Wala siyang napapabayaang trabaho. Hands on governor siya kaya mahal siya ng mga nasasakupan niya sa kanyang probinsiya sa Laguna at ma­ging ng mga kasamahan niya sa  show business.

Sampung araw na lamang at makakatapos na siya ng shooting ng El Presidente: The Gen. Emilio Aguinaldo Story. Mabilis daw magtrabaho ang director ng movie na si Mark Meily. Kung nagandahan ang lahat sa Asiong…, higit daw ang El Presidente na may budget na P100M. Nakatapos na ng kanyang shooting ang leading lady niyang si Nora Aunor.

Isa ito sa mga dahilan kung kaya nagawa na naman niyang magbigay ng appreciation dinner kasama ang media. Nakapag-file na rin siya ng kanyang Certificate of Candidacy para sa pagtakbo niya ng ikalawang ulit bilang gobernador ng Laguna. Pero pinakasentro ng dinner ang selebras­yon niya ng kanyang 49th birthday sa October 5. Wala siyang selebrasyon sa taong ito dahil masama raw mag-celebrate ng birthday kung ang numero ng edad ay pababa. Next year na lang daw at mas malaki ang gagawin niyang selebrasyon.

Ibang drama show makakatikim na ng panalo sa CMMA

Na-elevate na pala ang Maala-ala Mo Kaya ng ABS-CBN sa Catholic Mass Media Awards (CMMA) Hall of Fame. Ikatutuwa ito ng mara­ming nakakalaban ng MMK sa kategoryang drama anthology. Mabibigyan na sila ng pagkakataon na makatikim din ng panalo. Sa mga nakalipas na taon, palaging dominated ng MMK ang award sa kategoryang ito.

Si Charo Santos, host ng programa at pa­ngulo ng ABS-CBN ang personal na tumanggap ng award para sa programa na 20 taon na sa ere.

“The secret of ‘MMK’s success is our viewers. I believe that Filipinos worldwide keep on watching the show because it continues to give them hope and inspiration,” aniya.

Samantala, si Zanjo Marudo naman ang magbibigay ng kanyang natatanging pagganap sa role ng isang asawa at ama na may sakit na cancer of the liver sa Sabado. Makakasama niya sina Dimples Romana, Aaron Junatas, Clarence Delgado, Yogo Singh, Levi Ignacio, at Isay Alvarez sa direksyon ni Dado Lumibao.

Xyriel, makikipagbakbakan sa best actress category

Bigatin na talaga si Xyriel Manabat. Biruin mo, pinakabata siyang nominado para Best Drama Actress sa 2012 PMPC Star Awards for TV. Nominado rin siya bilang Best Child Performer para sa drama series niyang 100 Days to Heaven. Makakasama niya sa unang nominasyon sina Dawn Zulueta, Janice de Belen, Helen Gamboa, at Susan Roces.

EL PRESIDENTE

JONATHAN MANALO

NIYA

PABORITONG TAG

PERO

RIN

SIYA

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with