Kandidatura ni Jinkee, nilalait!

SEEN : “Ano ba magugunaw na ba ang mundo?” at parang nilalait ang reaksiyon ng broadcaster na si Alvin Elchico sa kanyang radio show tungkol sa pagkandidato ni Jinkee Pacquiao bilang Bise-Gobernador ng Sarangani Province.

SCENE: Sa October 27 ang grand finale night ng Artista Aca­demy ng TV5 sa Smart Araneta Coliseum.

SCENE: Kagabi ang trade launch sa NBC Tent ng mga bagong programa ng ABS-CBN, ang Ina, Kapatid, Anak at A Beautiful Affair.

SEEN: Ang Lorenzo’s Time ang huling teleserye ni Zaijian Jaranilla dahil haharapin niya ang kanyang pag-aaral. Bukas magwawakas ang Lorenzo’s Time.

SCENE: Palaban si Atty. Ferdinand Topacio na nagpatawag kahapon ng presscon dahil sinagot niya ang mga isyu tungkol kay Bea Binene at sa ina nito. Nag-boomerang sa mag-ina ang mga paratang nila laban kay Topacio. 

SCENE: Nanghinayang si Lorna Tolentino dahil na-shelve ang Haram ng GMA 7. Gandang-ganda si Lorna sa kuwento ng Haram.

SEEN: Si Benjamin Alves sa isang bangko kahapon, bago pa siya nagpunta sa presscon ng Coffee Prince. Pinirmahan ni Benjamin ang mga dokumento ng kanyang car loan. 

Show comments