May paniwala kaming hindi na magre-renew ng kontrata sa kanyang home network ang isang maga“ling na aktor dahil sa mga ipinahayag habang ini-interview ng press. Five years ang kontrata niya sa network, three years nang tumatakbo ang kontrata niya at feeling niya, walang nangyayari sa kanyang career.
Parang gusto na nitong makawala sa kanyang kontrata sa tono nang pagkakasabing “two years na lang ang bubunuin ko;” “I want to work what I deserve;” at “I’m doing my part in my contract.”
Hindi siya nabibigyan ng break kagaya sa ibang contract stars ng network at ang taray nang sinabing “Some actors, they don’t deserve where they are. Ang daming magagaling na ’di nakikita ng tao dahil walang project. Wala kaming choice but to wait for that break.”
Obvious na malaki ang tampo ng aktor sa kanyang network. Wala raw siyang bagong project, gayung kasama naman pala siya sa isang big soap. Dapat din siguro, i-repackage ng aktor ang sarili para ma-excite sa kanya ang fans at producers.
Alden at Louise tuluyan nang maghihiwalay
Spoiler sa ending ng One True Love ang ipinakita sa Chika Minute ng 24 Oras na may dinadalaw sa memorial park si Alden Richards bilang si Tisoy at nag-iyakan sila ni Ana Capri bilang si Dyna.
Spoiler din ang picture ng cast ng teleseryeng magtatapos na sa Friday na na-post sa Twitter without Louise delos Reyes as Elize. Nasunod ang gusto nina Alden at Louise sa pagtatapos ng One True Love kahit hindi pabor ang viewers.
Ang maganda sa soap, kahit patapos na, may new characters pang pumapasok. Gaya ni Annicka Dolonius bilang si Carla na pamangkin pala nina Robin Padila at BB Gandanghari. Lumabas na rin si Robi da Roza bilang ang Fil-Am na si Johnny, ang bagong karelasyon ni Leila (Agot Isidro).
May sepanx o separation anxiety ang cast pati si direktor Andoy Ranay dahil maghihiwalay na sila. Hindi makakalimutan nina Alden at Louise ang One True Love dahil first primetime soap nila ito at naging successful. At least, sina Direk Andoy at Alden ay magkakatrabaho pa rin sa GMA Films para sa Sossy Problem.