Papa Chen exclusive na sa Kapamilya

Ceritifed Kapamilya na ang lalaking unang napansin sa My Binondo Girl bilang kapareha ni AiAi delas Alas. Pumirma na si Richard Yap o kilala pa rin sa taguring Papa Chen ng isang exclusive contract sa ABS-CBN. Dalawang taon ang kontrata niya na sasakop hindi la­mang sa paglabas niya sa TV kundi maging sa pag­­gawa ng recording at paglabas sa pelikula.

Dahilan sa inaasa­hang magiging kaabalahan niya sa pagiging artis­ta, kinakailangang iwan ng ma­tagumpay ding ne­­gosyante ang kanyang highly paying job bilang marketing man sa isang kumpanya sa Cebu. With his knowledge and expertise sa kan­yang trabaho, ina­asahang makakabalik siya o makakakita ng iba pang trabaho kapag natapos niya ang kanyang kon­trata sa Kapamilya Network at mag-decide na maging private citizen muli. Sa kasalukuyan ay umaani ng tagumpay at popularidad ang serye niyang umeere sa umaga, ang Be Careful with My Heart kasama si Jodi Sta. Maria. Ang tagumpay ng serye ay dahilan para makapaglabas ito ng isang OST album na naglalaman ng mga awitin nina Ri­chard, Jodi, Aiza Seguerra, at Juris.

Love team nina Bea at Jake puro kadramahan naman ang gagawin

Binigyan na rin ng GMA 7 ng isang serye na pag­bi­bidahan ng love team nila sina Jake Vargas at Bea Binene. Kung sa Tween Hearts ay nasanay sila sa pagganap ng mga light role, sa bago nilang te­leserye na Angelina del Cielo ay heavy drama ang sasaba­kan nila. Kailangang paghandaan ng da­­la­wa ang ba­go nilang project na kung saan ay ma­kakasama nila sina Jessa Zaragosa, Isabel Gra­nada, Mico Pa­lanca, Yassi Presman, at Hero Angeles.

Show comments