Eh wala naman dialogue at mabibilang sa daliri ang kanyang eksena, Lou Veloso gamit na gamit ang Bourne Legacy sa kanyang kampanya

SEEN: Nakipag-shake hands at bumati sina Jonvic Remulla at Jolo Revilla kina Ayong Maliksi at Ronald Jay Lacson nang maghain sila ng certificate of candidacy o CoC sa Cavite noong Lunes. Parang kailan lang nang batikusin ni Maliksi sina Remulla at Revilla na makakalaban nila ni Lacson sa eleksiyon sa 2013. That’s entertainment!

SCENE: Gamit na gamit ang The Bourne Legacy sa mga publicity ng kandidatura ni Lou Veloso, ang running mate ni Mayor Alfredo Lim. 

Walang speaking lines at mabibilang sa daliri ang eksena ni Lou sa The Bourne Legacy.

SEEN: Ang larawan ng imahe ng Our Lady of Guadalupe ang dala ni Laguna Governor Jeorge “ER” Ejercito nang mag-file ito ng kandidatiura noong Lunes. Reelectionist si Ejercito bilang gobernador at ang Our Lady of Guadalupe ang patron saint ng Pagsanjan, Laguna, ex-mayor ng Pagsanjan si ER.

SCENE: Walong libong piso ang pinakamahal at P500 ang pinakamura na presyo ng tickets para sa concert ng The Jonas Brothers sa The Arena, Pasay City sa Oct. 19.

SEEN: Ang direktor na si Emmanuel Borlaza ang acting Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chair matapos magbitiw sa tungkulin ni Grace Poe-Llamanzares na tatakbong senador sa ilalim ng Liberal Party.

SCENE: For publicity purposes ang balita na malakas ang chemistry nina Daniel Matsunaga at Eula Caballero sa Third Eye. Sumusumpa si Daniel na hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend mula nang hiwalayan siya ni Heart Evangelista.

SEEN: Naghain kahapon ng certificate of candidacy si ex-President Joseph Estrada. Hindi sinabayan ni Erap ang paghahain ni Mayor Alfredo Lim ng CoC noong Lunes.  Tuloy na tuloy ang laban nina Erap at Lim sa pagiging next mayor ng Maynila.

SCENE: Over confident, feeling sikat, at may acting ang bawat kilos ni Vin Abrenica ng Artista Academy. Malayung-malayo sa kanya ang kapatid na si Aljur Abrenica na pa-low profile ang projection.

Show comments