Walang Hanggan dinumog sa One Kapamilya Go!
MANILA, Philippines - Inabangan ng mga Pilipino sa Amerika ang One Kapamilya Go! sa California’s Great America theme park sa Santa Clara, dahil ilang araw pa lang bago ang event ay sold out na ang tickets dahil sa pangako ng TFC na ibigay ang ‘da best ng Pilipino.’ Mahigit kumulang 11,000 na Pinoy ang dumagsa sa theme park para mapanood ang kanilang mga paboritong artista at ma-enjoy ang iba’t ibang pakulo ng TFC.
Ang celebrity line-up ay pinamunuan ng cast ng panalo sa primetime bida ratings na Walang Hanggan; Pokwang, Jed Madela at Pinoy Big Brother Season 4 champion Slater Young.
Tapat na ibinahagi ni Coco Martin na minsan na rin siyang naging overseas Filipino worker tulad ng marami sa audience. “Nagtrabaho ako noon sa Canada. Naging janitor ako. Alam ko kung gaano kalungkot, kung gaano kahirap ang buhay dito. Kaya nasa isip ko palagi kung paano ko mapapasaya ang mga Pilipino kapag nagpe-perform ako sa mga events sa iba’t ibang bansa,” sabi ni Coco sa Balitang America at sa press conference na ginanap sa TFC Studios noong September 17.
Sa One Kapamilya Go! din ginanap ang finals ng kauna-unahang talent competition para sa mga Pilipino sa buong mundo – ang TFCK at kung saan nanalo si Daryl Ogalino ng North Hills.
Samantala, dito rin ginanap ang auditions para sa The Voice Philippines na pinangunahan ni Director Laurenti Dyogi at pinamumunuan ng MYX TV.
Ito rin ang naging venue para ilunsad ang dalawang naglalakihang kampanya nito ngayong taon. Una na rito ang global anti-piracy campaign sa pakikipagtulungan ng Optical Media Board sa ilalalim ng Office of the President.
Matapos ang successful launch ng TFC.TV sa Nice, France at Dubai, inilunsad na rin ang latest platform ng TFC – ang TFC.tv. Masayang pinanood ng mga Pinoy ang mechanical blimps na lumipad sa ere samantalang umindak ang lahat sa star-studded nitong Click Tayo music video.
Ang One Kapamilya Go ay isang pamilya sa pamumuno ng Global COO Raffy Lopez.
- Latest