2012 Reel Gate Int'l Film Festival Ambassador of Charity tuloy ang pagdalaw sa mga social institutions

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagdalaw ni Tita Mega C, kilala rin sa tawag na Yvonne Benavidez, sa mga social institutions bilang bahagi ng kanyang papel na gina­gampanan bilang Ambassador of Charity ng 2012 Reel Gate International Film Festival sa London.

Dalawang magkasunod na araw noong nakaraang linggo, bumisita si Tita Mega C sa Positive Action Foundation Philippines, Inc. o PAFPI sa Malate, Maynila upang makausap at lalo pang maunawaan ang karamdaman na HIV/AIDS bilang misyon sa pagpapalaganap ng wastong impormasyon tungkol sa sakit na ito.

Ang PAFPI ang isa sa mga benepisyaryo ng 2012 Reel Gate.

Tutulak din si Tita Mega C sa London sa Nobyembre, 2012 para ibahagi ang donasyon sa Terrence Higgins Trust na suportado rin ng RGIFF.

Kabilang si Yvonne sa mga tumutulong sa Reel Gate kasama ang Hello Phi­lippines, Pinoy Radio UK kung saan nagkaroon siya ng interbyu last week din.

Show comments