Kaya ibinasura ang Haram GMA 7 araw-araw pinagbabantaan!

LT naudlot ang pagbabalik sa Kapuso

PIK: Bukod sa Temptation of Wife, excited na rin si Marian Rivera sa isa pang programang malapit na ring magsimula, ang Extra Challenge, na pagsasamahan nila ni Richard Gutierrez. Kakaibang experience sa kanya ito dahil napaka-adventurous din niya at walang kinatatakutan. Kaya bagay na bagay sa kanya itong reality show.

Ang laki nang kaibahan nitong Extra Challenge kung ikukumpara nung nakaraan dahil kapag kukuha sila ng celebrities na sumali, hindi talaga nila sinasabi kung ano ang gagawin. Magugulat ka na lang pagdating mo sa location. Doon na lang malalaman kung ano ang gagawin.

PAK: May isang Pinoy staff pala sa show ni Ellen DeGeneres na nakilala si Elmo Ma­galona kaya napansin sila roon at naki­sayaw sa sikat na Oppa Gangnam Style.

Iyong Pinoy staff member ay fan pala ni Francis Magalona at kilala niya si Elmo kaya ibinulong nito at ipinakilalang sikat na celebrity sila sa Pilipinas.

Kaya tumabi si Ellen kina Elmo at Julie Anne San Jose para isayaw ang sikat na sayaw na ito ng South Korea.

Kakaibang experience ito sa magka-love team na kahit nasa audience lang sila ay nakasayaw naman nila ang sikat na TV host at napansin sila sa programang iyon.

BOOM: Napagdesisyunan na lang ng GMA 7 na i-shelve ang Haram nina Dingdong Dantes at Kylie Padilla dahil sa patuloy na pananakot sa kanila kung itutuloy nila ang paggawa nitong drama series na ito.

Halos araw-araw ay nakakatanggap sila ng tawag na hindi sila titigilan at susundan sila kahit hanggang sa taping nila, kaya para sa kaligtasan ng mga artista at staff, mabuting huwag na lang nga ituloy.

Nanghinayang din si Lorna Tolentino dahil ito pa naman ang magandang project nang pagbabalik niya sa GMA 7 pero hindi na nga matutuloy.

Sa susunod na linggo ay pag-uusapan kung ano ang bagong seryeng gagawin nila na pagsasamahan pa rin nina Dingdong at Kylie kasama si LT.

Show comments