^

PSN Showbiz

Panay ang padala ng text messages sa mga reporter pulitikong kakandidato sa 2013 nagpapa-kontrobersiyal

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Nakakatanggap ako ng mga text message mula sa mga tao na hindi ko kilala. Juicy at kontrobersiyal ang mga text message na ayokong patulan, kesehodang may kinalaman sa showbiz dahil libelous.

May mga text message tungkol sa iringan ng mga pulitiko na kakandidato sa 2013. Siyempre, hindi ko rin papatulan dahil magagamit lamang ako ’no?!

Mabuti sana kung pagkakitaan ko sila eh ni hindi kami personal na magkakakilala, hitsurang araw-araw na laman sila ng mga diyaryo at news program.

Gustung-gusto ng mga pulitiko na maisulat sila sa mga entertainment page dahil ito ang section na talagang binabasa ng mga tao. Paano naman isusulat o tutulungan ng entertainment press ang mga papansin na pulitiko na walang naitutulong sa showbiz?

Bea itatapat sa please be careful…

Magkakasunod na magsisimula ang mga ba­gong programa ng GMA 7 para sa last quarter ng 2012.

Mag-uumpisa sa Oct. 8 ang Magdalena na su­­sundan ng Sarap Diva, ang cooking show ni Re­gine Velasquez.

Ipinapakita na ang teaser ng Temptation of Wife, ang teleserye na pagbi­bidahan nina Marian Ri­vera at Dennis Trillo. Ang Temptation of Wife ang unang project ni Rafael Rosell bilang Ka­puso actor.

Nakalagay na sa kanto ng EDSA at East Avenue, Quezon City ang giant billboard ng Tagalog adap­tation ng Coffee Prince na pagtatambalan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Ang Coffee Prince ang unang teleserye ni Benjamin Alves sa GMA 7.

Napanood ko na ang teaser ng morning drama show na tatampukan ni Bea Binene at may tentative title na Angelina del Cielo. Ang programa ni Bea ang itatapat ng GMA 7 sa Be Careful With My Heart ng ABS-CBN.

Kylie haharapin na ang album sa pagkaudlot ng Haram

Nalungkot si Kylie Padilla nang sabihin sa kanya na hindi na matutuloy ang Haram pero magkakaroon ito ng kapalit, isang bagong show na tatampukan niya.

Maganda ang attitude ni Kylie dahil nawala man ang Haram, magkakaroon siya ng sapat na oras para sa kanyang record album na katuparan ng dream niya na maging singer.

Kapamilya nag-adjust ng mga show para kay Dolphy

Nasa kabilang buhay man si Mang Dolphy, nagawa niya na pagbuklurin ang mga leading TV network, ang ABS-CBN, GMA 7, at TV5 na nag-air ng tribute sa kanya, ang Dolphy Alay Tawa.

Ang ganda ng mga TV plug ng tatlong network sa tribute kay Mang Dolphy. Magkakasabay ang tele­cast kagabi, pati na ang mga commercial break ng GMA 7, ABS-CBN, at TV5.

Magkakaalaman kung alin sa mga nasabing TV station ang pinili ng televiewers sa panonood ng tri­bute para sa King of Comedy, base sa ratings na lalabas ngayon.

Nagulat ako dahil maagang nagsimula kahapon ang The Buzz ng ABS-CBN. Hindi pa tapos kaha­pon ang Manny Many Prizes, nag-umpisa na agad ang The Buzz na dati-rating nag-uumpisa ng 4:00 p.m.

May kinalaman kaya ang Dolphy tribute sa maagang pagsisimula at pagtatapos ng mga Sunday program ng Kapamilya Network?

ALJUR ABRENICA

ANG COFFEE PRINCE

ANG TEMPTATION OF WIFE

BE CAREFUL WITH MY HEART

BEA

BEA BINENE

BENJAMIN ALVES

MANG DOLPHY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with