Derek hindi kayang anakan si Aiza!
Nagulat, natawa, at speechless si Derek Ramsay sa mga itinanong sa kanya sa presscon ng A Secret Affair, pelikula ng Viva Films na showing sa Oct. 24, sa direction ni Nuel Naval. Hindi lang kasi tungkol sa movie ang itinanong ng press. May mga tanong na ikina-shock ng Kapatid actor.
Isa na rito ang naging pahayag ni Aiza Seguerra na kung magkaka-anak siya, si Derek ang gusto niyang maging ama nang magiging anak. Any reaction?
“Ngayon lang ako na-speechless in my whole life. Sobrang ganda nang na-develop naming friendship kaya siguro ako ang napili niya. Kailangan ko ba talagang mag-react? If babae ang nagkagusto, normal lang but, for a lesbian, that’s the top compliment na talaga because they’re not attracted to men. But I don’t want to donate my juices. Pero kung si Aiza talaga ang hihingi, baka puwede pang mangyari. Hahaha!” sagot ni Derek.
Nagkasama na sa No Other Woman sina Derek at Anne Curtis, kay Andi Eigenmann mas na-challenge si Derek sa mga eksena niya sa A Secret Affair. Alam ng aktor na matagal bago nito tinanggap ang pelikula. Kinausap niya ang aktres, inalis ang kaba, at sinabing isang team silang magtatrabaho at umokey na ang lahat.
Dj na nabaliw kay Bea,nanligaw din sa reporter ng GMA
May magandang dulot din ang kontrobersiyang hinaharap ni Bea Binene dahil muling nagparamdam ang ama nitong nag-walkout sa kanila ng mom niya last year.
Nang lumabas ang isyu sa young actress at sa disc jockey na si Papa Dan at nitong huli kay Atty. Ferdinand Topacio, tumawag ang ama kay Bea at inalam ang lagay nito.
Mula noon, araw-araw nang nag-uusap sina Bea at kanyang ama. Kaya kahit may malaking isyu sa kanya, masaya na rin ang young actress. Nang makita nga ito ng mga kaibigan sa GMA 7, masaya at maaliwalas ang mukha.
Samantala, Cielo del Angelina na ang title ng morning soap ng tween star kapareha si Jake Vargas.
Hindi pala si Bea ang first celebrity na kina-inlaban ni Papa Dan. Lumabas na nagkagusto na rin ito sa kay Mariz Umali, news reporter ng GMA News and Public Affairs ng GMA Network. Nang minsan daw umuwi si Mariz mula sa abroad, pinuno ni Papa Dan ng petals ng flowers ang dinaanan niya.
Hindi kami sure kung sabay nanligaw kay Mariz sina Raffy Tima at Papa Dan pero ang una ang nagwagi sa puso ng dalaga. Ang balita nga namin, ikakasal na sa December ang dalawa.
Haram hinarang, ’di muna itutuloy
Dapat kahapon ang second day taping ni Direk Maryo J. delos Reyes ng Haram sa
Nagcarlan, Laguna pero Friday evening nag-decide ang GMA Network to shelve the project kaya wala ng taping na nangyari kahapon. Mabuti na lang at naka-first day taping pa lang at si Chanda Romero pa lang ang nakukunan.
Siguradong may magandang kapalit na project para kina Dingdong Dantes, Kylie Padilla, Lorna Tolentino, at Direk Maryo J. de los Reyes. ’Kaloka lang dahil second project na ito ng direktor na shelved, nauna nang na-shelve ang pelikula nina Marian Rivera at Coco Martin.
Kaya pala maa-advance ng two weeks ang airing ng Temptation of Wife na ipapalit sa Haram.