Eh special citation lang naman ang ibinigay, actor parang best actor award ang natanggap sa acceptance speech
MANILA, Philippines - Wagas na wagas ang speech ng isang actor na binigyan ng special recognition sa isang award giving body kamakailan. Aba daig pa niya ang tumanggap ng best actor award nang magsalita sa stage para sa nasabing special citation. Aakalain mo na board of jurors ang namili sa kanya para sa nasabing pagkilala.
And take note, may dala pa siyang kudigo ng mga pasasalamatan niya.
Kung tutuusin, isa lang siya sa maraming binigyan ng recognition.
‘Yun naman isang tumanggap, ganundin. Asus, ang haba ng speech at kung sinu-sino ang pinasalamatan. At hindi man lang nag-make up kaya kitang-kitang mas magandang hindi hamak ang isa niyang kaedad na aktres na alaga ng kabilang network na tumanggap din ng recognition.
Yun kasing taga-kabilang network ang ganda ng suot at light ang make up pero ang ganda-ganda samantalang ang young actress ng kalabang network, pati speech ang jologs.
May dalawa pang young actor ang tumanggap ng award. At as usual, mas classy talaga ‘yung hitsura ng isang taga-network.
Anyway, siguro talaga kailangan ng magaling na stylist ng isang network na titingin sa kanilang mga alaga para naman naalagaan ang mga hitsura nila kahit saan sila magpunta.
Sarah dinumog ng mga hapon
Speaking of stylist, si Liz Uy na pala ang stylist ni Sarah Geronimo. Yup, kaya asahan daw na medyo maiiba ang ‘hitsura’ ni Sarah.
Kung sabagay lately ay naging daring na rin si Sarah at nawala na ang jologs factor sa katawan niya. Masyadong iniba ng kanyang dating stylist ang hitsura niya. At least kung si Liz, baka mas madaling magka-boyfriend si Sarah. May connection, why not.
Anyway, kadarating ni Sarah galing Japan kung saan nag-show sila roon. Ayon sa manager niyang si Mr. Vic del Rosario jampacked ang venue kaya tuwang-tuwang ang pop superstar dahil hindi lang mga Pinoy ang nagkagulo sa kanyang concert kundi maging mga Hapon. Limang araw silang nag-stay sa Japan pero dalawang gabi lang ang concert ni Sarah.
Paula Bianca naaliw nang ma-pirate ang album
Nasa tamang direction ang career ni Paula Bianca. Kamakailan lang siya naglabas ng album pero heto at napansin agad siya.
Pagkatapos na manalo sa Tambayan 101.9 Awards na ginanap noong June bilang Best New Female Artist, kamakailan naman ay nagwagi siyang Best New Female Recording Artist sa Star Awards for Music. “Actually, nag-attend lang po ako doon kasi nga nominated ako. More than enough na sa akin ang ma-nominate, hindi ako nag-expect ng panalo,” kuwento ni Paula na nakatakdang magbakasyon sa Amerika.
“Shocked talaga ako nang tawagin ang pangalan ko kasi parang bigatin lahat ng mga kalaban ko,” dagdag niya.
Nanalo siya para sa kanyang debut album – self-titled – under Vicor Records.
Pagbalik niya galing Amerika, magiging abala si Paula sa promo ng kanyang second single mula sa kanyang album at sa first major concert sa Grand Casino Theater na pinamagatang Rock Philia for the benefit of hemophilia patients ang kikitain ng concert.
Siya ang ambassador ng Haplos Foundation na ang main project ay ang pagtulong nga sa may mga hemophilia.
Wala siyang kikitain sa concert as in hindi siya tatanggap ng talent fee.
Anyway, naaliw si Paula dahil na-pirate ang album niya. Meaning malakas ito. Kasi kung hindi, siyempre walang magkaka-interes na mag-pirate. Kasi ganun ang labanan ngayon – ‘pag walang nag-pirate sa album mo ibig sabihin hindi sikat at hindi bumibenta.
Two weeks ang bakasyon ni Paula kasama ang kanyang mga magulang na si Mr. Dan Cuneta, brother ni Sharon Cuneta (yes, the Megastar). Pero hindi ginagamit ni Paula ang apelyidong Cuneta para hindi maakusahang nanggagamit.
Tambayan binago ang mga programa
Bagong mga programa, bagong tambalan, at bagong saya ang hatid ng Tambayan 101.9 ngayong Oktubre.
Dahil gusto ng mga Tambayer ng mas magandang umaga, mas totoong kuwento ng buhay, mas maraming OPM music, mas matinding kakulitan at kung ano ano pa kaya naman isang bagong Tambayan ang inihanda nila.
Simulan ang araw kasama si DJ Martin D sa Gising Gi-sing, 5:00 AM hanggang 9:00 AM, at salubungin ang umaga ng may positibong enerhiya.
Susundan naman ito ng nakaka-inspire na talakayan kasama si DJ Jasmin sa Dear Jasmin mula naman 9:00 AM hanggang 11:00 AM. Mananatili si Jasmin ng dalawa pang oras pagkatapos nito para naman magbasa ng inyong mga liham at iba’t ibang drama sa buhay sa Heart to Heart.
Pagpatak ng hapon, manatiling gising at buhay na buhay kasama si DJ Ronald Duck sa Afternoon Dilat mula 1:00 PM hanggang 3:00 PM at ipagpatuloy ang good vibes at saya kasama si DJ Charlie sa Happy Hapon, 3:00 PM hanggang 5:00 PM.
Samantala, magpahinga at mag-relax kasama sina DJ Chinaheart at DJ Arnold Rei pagsapit ng 5:00 PM dahil ihahatid nila ang kaswal at kalma lang na usapan na tiyak magpapawala ng inyong mga pagod sa Usapang Kanto.
All the way naman ang kuwentuhan tungkol sa kahit anong gusto mong pag-usapan kasama si DJ Cha-Cha sa All Da Way, simula 8:00 PM hanggang 12:00 MN.
Hindi natatapos ang saya dahil pagsapit ng hatinggabi ay buhay na buhay ang harutan at tamang landian kasama si DJ Bea sa Shortime na susundan naman ng kulitang nauna pa sa sikat ng araw sa Ayows kasama sina DJ Charlie at DJ Ronald Duck sa ganap na 3:00 AM.
Manatiling nakatutok sa Tambayan 101.9 sa radyo o makinig at manood dito online sa www.tambayan1019.com.
- Latest