Si Jodi na? Jolo handa nang mag-asawa
PIK: Aligaga sa mga Kapuso mall show ngayon ang mga protégé na iikutin ang halos lahat ng malls sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ngayong araw ay nasa Diyandi Festival sa Iligan City sina Ruru Madrid at ang mentor nitong si Phillip Salvador at ang tagaroon na si David John Llanes.
Nasa SM Lanang sa Davao naman sina Mikoy Morales at Thea Tolentino.
Bukas naman ay nasa SM City Consolacion sina Zandra Summer at Bryan Benedicto.
Sa Martes naman ay nasa SM Hypermart, Laoag ang Top 7 Protégés, at sa Oct. 6 sa Davao naman sina Steffi Pacheco at David John Llanes.
PAK: Abala si Jolo Revilla kahapon sa blood-letting program na isinagawa sa Kapitolyo ng Cavite sa Trece Martirez, sa tulong ni Gov. Jun Vic Remulla.
Isa lamang ito sa mga selebrasyon nila para sa kaarawan ni Sen. Bong Revilla, Jr.
Muling napag-usapan ang love life ni Jolo at sa tono ng mga sinasabi nito, tila handa na siyang mag-asawa.
“The right time will come, malay natin,” mabilis niyang sagot.
Sinundan namin ng tanong kung wife material ba si Jodi Sta. Maria.
“Kagaya nga ng mga sinasabi ko, I want to keep my personal life private. Kapag handa na ang lahat, kayo naman ang una kong sasabihan,” napapangiti niyang sagot.
Kahit sina Sen. Bong ay tanggap naman nila kung sakaling mapagdesisyunan na ni Jolo na malagay sa tahimik.
BOOM: Nagulat kami sa nakarating na balitang tuluyan nang na-disqualify si Phillip Salvador sa kanyang balak na pagtakbo bilang vice governor sa Bulacan.
Na-question ang residency nito, at na-dismiss nga ng korte ang motion niya sa kasong residency na pilit na itinitira sa kanya ng mga kalaban sa pulitika.
Sabi naman sa amin ni Kuya Ipe, iaapela naman niya ito. Hindi siya titigil at basta na lang susuko sa mga gustong ibagsak ang kanyang political career.
- Latest