Movie nina Aga at Regine naka-P4 million sa unang araw!

 MANILA, Philippines - Masaya si Aga Muhlach sa kinalabasan ng pelikula nila ni Regine Velasquez na Of All the Things. Naka-more than P4 million ito sa opening day.

Matagal-tagal din kasing panahon ang ipinaghintay nila rito at nawalan na sila ng pag-asa. Pero natapos after three years at last Wednesday nga ay ipinalabas na.

Walang nakapanood ang hindi naaliw at kinilig sa kanila.

Maging si Direk Joyce Bernal ay natuwa sa resulta ng pelikulang produced ng Viva at GMA Films na dinirek niya.

Susog ni Aga : “Nakita ko ibang klase itong movie namin. Hindi siya mainstream na merong kilig moments ni Regine. The usual love story rom-com na nagkaka-developan, nagpopormahan kayo ganun. Walang ganun ’yung movie. Nasa edad namin ang kuwento.” 

Ang nakakaaliw sa pelikula, hindi pa pala niya alam na kakandidato siya bilang congressman sa Bicol pero doon na sila nag-shooting, sa lugar kung saan sakop ng District 4 ng Camarines Sur. “Nakakatawa nga eh. That was three years ago. Wala pa sa plano ko,” sabi niya.

Pero ngayon nga ay decided na siyang kumandidato kaya naman may ilang nagpo-protesta doon at ginagawang isyu ang kanyang residency. Pero confident ang actor na malulusutan niya ang reklamo bilang alam naman niyang Bicolano siya.

Anyway, after Of All the Things, malamang na isang movie kasama si KC Concepcion ang gagawin niya. Yup, you read it right. Si KC. Pero wala pa namang definite.

Saka concentrate muna siya sa pulitika dahil sa October 1 na ang umpisa ng filing ng candidacy ng mga kakandidato sa 2013 election.

Showing pa rin sa mga sinehan ang Of All The Things.

Smokey nag-ala Lady Gaga sa alay tawa

Nag-tweet si Smokey Manaloto para ikorek ang lumabas dito sa Show-My na wala siya sa ginanap na Dolphy Alay Tawa, ang tribute sa Comedy King. Ayon sa komedyante :  “Hi Salve. I read your article sa PSN. I was there at Alay Tawa. Kami ‘yung nag-Lady Gaga/Facifica Falayfay” prod number.”

Hindi lang siguro nakita ng source ko si Smokey nang magkaroon ng taping ang show na ipalalabas sa tatlong network – ABS-CBN, GMA 7, and TV5 sa Sunday.                       

Show comments