MANILA, Philippines - Simula na ngayong Sabado ang matitinding episodes ng Artista Academy sa pagpapakilala nito ng Honors’ List o ang Final 6 na maglalaban-laban sa grand finals para sa pinakaaasam na P20 Million combined total prizes at ang pagkakataong maging susunod na lead stars ng TV5.
Dalawang slots na lang sa Final 6 ang natitira dahil naigawad na ang naunang four slots sa top 4 students na consistent sa kanilang high grades at mataas na text votes every week: sina Akihiro Blanco, Vin Abrenica, Chanel Morales, at Sophie Albert.
Magtutunggali at magpapagalingan ang mga nasa Danger 4 (Benjo Leoncio, Mark Neumann, Malak So Shdifat, Shaira Mae) laban sa Tropang Kick-Out (Chris Leonardo, Jon Orlando, Brent Manzano, Marvelous Alejo, Nicole Estrada, Stephanie Rowe) dahil pantay na ang chance nilang masungkit ang natitirang dalawang slots sa Final 6. Make-or-break ang laban nila ngayong Sabado sa Live Exam dahil ito na ang huling pagkakataon nilang ipagpatuloy ang kanilang pangarap at manatili sa competition hanggang sa grand finals.
Malalaman ang kasagutan ngayong Sabado, September 29, sa matinding face-off at showdown ng talent ng mga showbiz aspirants ng Artista Academy. Mapapanood ang Artista Academy tuwing Sabado ng 8:30 p.m. at Lunes hanggang Biyernes ng 9:00 p.m. sa TV5.