Ambassador of Charity ng 2012 Reel Gate Int'l Film Festival, dadalaw sa mga may HIV/AIDS

MANILA, Philippines - Dadalaw ngayong araw na ito sa Positive Action Foundation Philippines, Inc. (PAFPI), isang kanlungan ng mga taong may mikrobyo ng HIV/AIDS o Persons Infected with HIV/AIDS, sa Malate sa Maynila, ang tinaguriang Ambassador of Charity ng 2012 Reel Gate International Film Festival (RGIFF).

Sinabi ni Yvonne Benavidez, kilala rin sa tawag na Tita Mega C, na ang kampanya ay bahagi ng kanyang mga responsibilidad bilang sugo ng Reel Gate Int’l Film Festival na gaganapin sa London sa ika-2, 3 at 4 ng Nobyembre, 2012.

Isa ang PAFPI sa mga benepisyaryo ng RGIIF, ang pestibal na itinatag ng kontrobersiyal at nakakaintrigang Fil-Briton filmmaker na si Jowee Morel - Moma, Ec2luv, Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies), Mona Singapore Escort, When a Gay Man Loves, Latak (Residue), HiStory, Moving Dreams, Strictly Confidential at ng katatapos lang na migration film Leona Calderon ni Pilar Pilapil at ng premyadong British at Hollywood actress na si Virginia McKenna.

 “I am happy dahil napili ako ng Reel Gate na maging Ambassador of Charity. Noon pa, na-feel ko na ang paglilingkod sa kapwa habang connected ako sa Mega C dahil we promote health and wellness,” pahayag ni Benavidez.

Makikihalubilo si Tita Mega C sa mga pasyente na may HIV sa Pilipinas upang mas malaman pa niya ang kampanya ng impormasyon at mga implikasyon ng karamdamang ito sa bawat Filipino.

Show comments