MANILA, Philippines - Tinatawagan ang pinakamagaling na mga chorale sa Kamaynilaan at mga karatig lalawigan sa region 3 at region 4 na interesadong lumahok sa 2012 MBC National Choral Competition! Gaganapin ang Mega-Manila auditions sa ika-6 at ika-7 ng Oktubre, mula alas-nuebe ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon sa Star City. Inaanyayahang lumahok ang mga choirs ng iba’t ibang paaralan, parokya, komunidad at tanggapan ng pampubliko at pribadong sector. Ang mga interesado ay maaring humingi ng detalyadong contest guidelines at registration forms sa pamamagitan ng pag-email sa isandaang libo ang nakalaan sa tatanghaling kampeyon sa children’s division at P150,000 naman sa magwawagi sa open category pagdating ng grand national finals sa Disyembre.
Ang 2012 MBC National Choral Competition ang maglalatag ng pagtatanghal ng kauna-unahang Manila International Choral Festival sa December 2013 na lalahukan ng mahigit 60 bansa sa ilalim ng pagtataguyod ng Manila Broadcasting Company, ang Philippine Choral Directors association, at Interkultur-Germany na siya ring nagtatanghal ng World Choir Games..