Matapos kalasan ni P-Noy Grace Lee umamin, hindi na pinag-iinteresan ng ibang lalaki ...

CEBU, Philippines - “Wala nga eh. Feeling ko natatakot sila,” sagot ni Grace Lee nang may magtanong kung sinu-sino ang mga manliligaw niya lalo na ngayong nagpapa-Belo na siya as in sumailalim siya sa Smart Lipo. Partikular na ipinaayos niya ang kanyang braso na kahit payat siya ay malaki na matagal-tagal niya ring prinoblema bago siya tuluyang nagpa-Belo.

So may koneksiyon ba si Presidente Noynoy Aquino sa pagpapa-ayos niya ng braso? “Way way back pa ito. More than a year na,” sagot nito kahapon sa ginanap na presscon kung saan ipinakilala siya ni Ms. Cristalle Belo. Hindi pa raw pumapasok si P-Noy sa eksena nagpaayos na siya ng braso.

Pero kahit puwede na niyang itaas-taas ang kanyang braso at parating mag-sleeveless, parang malabong maging sila na nga presidente. Natatawa na lang siya sa tuwing tinatanong siya sa naudlot nilang pagmamahalan ng presidente ng bansa.

Anyway, puring-puri ni Grace ang Smart Lipo na isa sa mga popular service ng Belo Medical Group. “It’s the perfect procedure. It not only removes pockets of fat in troublesome areas in the body, but it even tones the muscles the way it did in my arms,” kuwento niya.

Samantala, hindi naman nahihiyang umamin si Phoemela Barranda na nagpagawa siya ng boobs. “I wanted to improve my proportions, to be more confident of how I look,” simula niya.

Kaya naman, hindi siya nag-isip ng matagal at nagdesisyon agad magpadagdag ng boobs na ayon kay Dra. Vicki Belo ay kahit tumanda at magkaanak pa ang modelo, walang magi­ging problema dahil ligtas ang inilalagay nila sa boobs na cohesive silicone gel.

Ang nasabing procedure ay tatagal lang ng dalawa hanggang apat na oras kasama na ang recovery period na parang madali pa kesa magbabad ka sa panonood ng mga favorite TV series ninyo. At pagkatapos ng isang buwan, puwede na uli kayong bumalik sa regular activites ninyo.

Dahil sa kanyang bonggang boobs ngayon, handang-handa na si Phoemela na nakipagsabayan sa mga seksing artista.

Sa kasalukuyan ay host siya ng Cityscape, isang lifestyle program that features the latest finds around and beyond the metro-fashion, technology, food, travel, arts and culture. 

Masaya siya sa nasabing programa dahil swak ito sa kanyang personality. Naging aware na rin siya na sa pagbabago ng kanyang katawan.

Bukod sa breast augmentation, regular din ang kanyang facials sa Belo.

Wala naman si Jennylyn Mercado sa nasabing presscon. Pero kung napansin ninyo, hindi na iba-iba ang kulay ng balat ng girlfriend ni Luis Manzano na balitang nagkakalabuan na rin. Ngayon ay pantay na pantay na ang kanyang balat na matagal din niyang prinoblema kung paano gaganda. “Hindi siya makuha sa body peeling or scrubbing. Ang hirap pantayin ng kulay ng balat.” Hanggang sinubukan niya nga ang Glutathione-IV injection. Kumpara sa mga nagsusulputang gluta, ayon kay Dra. Belo, safe ito at walang masamang epekto sa katawan. Makakatulong pa nga raw ito to improved immune response.

Sayang talaga at wala si Jennylyn sa nasabing presscon. Hindi naman kaya umiiwas talaga siyang matanong tungkol sa kanila ni Luis? At maging ang tungkol sa kanila ni Paolo Contis?

Si Coco Martin naman ay may itinatago palang peklat sa mukha tuwing lalabas sa Walang Hanggan. Aminado naman siyang tinatakpan lang ito ng make up para hindi mahalata. “Even before ako maging Belo endorser, pumupunta na po ako sa Belo kasi sila lang ‘yung nakaayos sa problem ko sa face dahil sa aksidenteng nakuha sa taping,” pagtatapat niya. Suki siya ng powerpeel kaya naman ang kinis na ng mukha niya.

Anyway, ang Belo lang pala ang may pinaka-hightech na kagamitang pangkagandahan – meron silang 132 Lasers, 63RF machines, 26 Phototherapy units, at 8 Ultrasound Treatments at si Dr. Vicki ay miyembro ng American Academy of Dermatology, American Society of Dermatologic Surgery, American Academy of Cosmetic Surgery.

Of all the THINGS palabas na, Graded B ng CEB

Palabas na simula ngayong araw ang pelikula nina Aga Muhlach at Regine Velasquez na Of All The Things na Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Sobrang nakakaaliw kasi ang pelikula na matagal nang hinihintay mapanood.

Hindi pa man ito napapalabas ay nag-iisip na si Direk Joyce Bernal, director ng movie, nang susunod na pagtatambalan ng dalawa na subok na ang tambalan.                         

Show comments