MANILA, Philippines – Isa sa mga sinusubaybayan sa mundo ng sports, ang Ryder Cup ay isang golf showdown sa pagitan ng United States at Europe, dalawang grupo na malakas sa larangan ng golf. Ginaganap lamang isang beses sa dalawang taon, panoorin ito live sa Balls mula Medinah Country Club sa Medinah, Illinois, United States ngayong darating na Setyembre 28 hanggang 30.
Ang Ryder Cup ay isang match play event sa pagitan ng mga golfers na pinili mula sa Team Europe at Team USA kung saan bawat isang panalo ay may katumbas na isang puntos. Sa unang dalawang araw paglalabanan ng mga golfers ang apat na foursome matches at apat na fourball matches bawat araw at sa huling araw magkakaroon ng 12 single matches. Upang mapanalunan ang kopa, 14½ na puntos ang dapat makuha ng USA sa loob ng 28 puntos samantalang ang title holder na Europe ay dapat makakuha ng 14 puntos upang mapanatili sa kanila ang titulo.
Ang Europe ang nagwagi sa 2010 Ryder Cup na ginanap sa Celtic Manor Resort sa Wales nang makakuha ito ng 14 ½ puntos kumpara sa 13 ½ puntos na nakuha ng USA.
Panoorin ang Ryder Cup ng live sa Balls Channel (Skye Cable Ch. 34) ngayong Biyernes (Setyembre 28), 8:00 p.m., Sabado (Setyembre 29), 8:00 p.m. at Linggo (Setyembre 30), 11:30 p.m. Palaging tumutok sa Balls at maging updated sa mga pinakabagong pangyayari sa mundo ng sports. Ang Balls Channel ay available sa Sky Cable Platinum, Sky cable Gold, Sky Cable Silver, at sa higit 200 quality cable operators sa bansa. Para sa ibang updates, bumisita lang sa www.ballschannel.tv, i-like rin ang official fan page sa Facebook na www.facebook.com/BallsChannel at sundan sa twitter @ballschannel.