^

PSN Showbiz

Sharon biglang pinahubad ang suot na hikaw ni Juday, pinahiram ng mas malaking diamonds

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

‘Katuwa ang kuwento ni Noel Ferrer sa 103.WOW FM tungkol kay Sharon Cuneta sa taping ng Dolphy Alay Tawa. Nakita ni Megastar si Judy Ann Santos at ang suot nitong hikaw, tinawag si Judy Ann at pinapalitan ang hikaw.

Walang sabi-sabing pinahiram ni Sharon si Judy Ann ng kanyang diamond earrings dahil mas bagay daw sa damit at ayos ng buhok ni Judy Ann that day. Biniro raw ni Judy Ann si Sharon na after her segment, deretso na siya ng uwi sa bahay at ‘di na ibabalik ang diamond earrings nito.

Younger sister ang turing ni Sharon kay Judy Ann, kaya close ang dalawa. Naniniwala kami na isa si Judy Ann sa mga rason kung bakit tinanggap ni KC Concepcion ang role sa Against All Odds dahil sa adopted tita niya. May tsika kasing ayaw ni KC ng tipong bad girl role, pero tinanggap ang soap nila ni Judy Ann.

One True Love extended na naman

Extended ng one week ang One True Love kaya hanggang October 5 pa ito mapapanood. Pero sabi ni Louise delos Reyes, ayaw sabihin sa kanila ni Alden Richards kung one week lang ang extension o mas tatagal pa, basta ang alam nila, daily ibinibigay sa kanila ang script.

 “Ang hindi ko alam ay kung susundin ang original script sa magiging ending, ayaw kasing sabihin sa amin,” kuwento ni Louise.

Sa mga nakunan niyang eksena na hindi pa ipinalalabas, babalik siya sa school at pre-med student siya pero hindi pa rin maalala si Tisoy (Alden) at ang relasyon nila. May spoiler din si Louise na isa pang major character ang mamamatay, pero kahit siya’y hindi alam.

Masaya sina Louise at Alden sa itinakbo ng One True Love dahil from original na eight weeks, aabot sila ng 17 weeks. Para sa kanya, hindi lang ang love team nila ni Alden ang nag-swak, lahat ng members ng cast ay bumagay at isa sa mga rason kung bakit patuloy na sinusubaybayan ang kanilang soap.

Mark walang maisip na birthday gift kay Ynna

Ipinagmamalaki ni Mark Herras ang dance number nila ni Gab Valenciano na ginawa sa Dolphy Alay Tawa concert tribute at mapapanood sa three network sa September 30. Two days lang sila nag-rehearse sa Football Mambo, pero maganda ang kinalabasan at isa ‘yun sa most applauded number.

Natawa kami sa kuwento ni Mark na lumaki ang tiyan niya at nahirapan siyang gumalaw at sumayaw. Ang diet na ginawa niya’y hindi na siya kumakain after 6:00 pm., at mahina na siyang kumain at nag-work sa kanya.

Maganda ang sinabi ni Mark na hindi niya pi­nang­hinayangan ang araw at kikitain sana noong pa­nahong hindi siya seryoso sa kanyang trabaho. “Nakatulong sa akin para maayos ko ang buhay ko. Financially, marami akong regional show that time.”

Malaking tulong din to boost his morale ang Luna Blanca dahil ibig sabihin, may tiwala pa rin sa kanya ang GMA 7. Nagugulat daw siya sa sarili dahil kaya na niya ang heavy scene at umiyak na walang gamit na eye mo.

Samantala, birthday ni Ynna Asistio sa September 27, pero wala pang nabibiling regalo sa kanya si Mark at wala ring hinihinging gift ang GF, kaya hirap siya. Dahil nahihilig sa pagbi-bake ang dalaga, baka gamit na lang sa baking ang bilhin niya.

Wendell naudlot sa Please Be Careful

Hindi pala natuloy lumabas sa ABS-CBN si Wendell Ramos dahil sa schedule. Papasok dapat ang aktor sa Be Careful With My Heart, ipinagpaalam na siya ni Perry Lansigan sa TV5, kung saan siya may kontrata at pinayagan naman.

Hindi natin alam, tatlo ang ginagawang pelikula ng aktor at may nadagdag pang isa, kaya sa apat na pelikula siya mapapanood. Ito’y ang El Presidente, Menor de Edad, Barangay Magiliw at isa pang hindi binanggit ni Perry.

Parang si JM de Guzman daw ang sa role sana ni Wendell sa Be Careful With My Heart. Wala raw itong conflict sa Angelito, Batang Ama dahil sandali lang ang karakter na gagampanan nito.

vuukle comment

AGAINST ALL ODDS

ANN

BE CAREFUL WITH MY HEART

DAHIL

DOLPHY ALAY TAWA

JUDY

JUDY ANN

ONE TRUE LOVE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with