GMA News naka-1 M followers na sa Twitter!
MANILA, Philippines - “Game changer” na kung ituring ngayon ang Twitter sa larangan ng pagbabalita. At ang official Twitter account ng GMA News and Public Affairs ang nangunguna sa isipan ng Pinoy netizens pagdating sa breaking news. Sa kasalukuyan ay mayroon na itong mahigit isang milyong followers.
At madalas ay doble o triple pa ang itinataas ng daily average nito ng bagong followers kung may malaking kaganapan sa bansa – tulad na lamang ng nakaraang pagbaha dulot ng habagat, paglabas ng hatol sa impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona, at pagkamatay ni Sec. Jesse Robredo.
Ayon kay GMA vice president for multimedia journalism Howie Severino, “One of our main responsibilities as a media organization is to filter the anarchy of information on Twitter so that we spread only accurate information.”
Nagsisilbi rin ang Twitter bilang isa sa mga epektibong paraan sa pagkalap ng mga bagong balita ng GMA News. At sa naganap na pagbaha noong July, naging daan din ang Twitter para matulungan ang ilan sa mga biktima. Ang official Twitter account ng GMA News and Public Affairs ay inilunsad noong May 2009.
I-follow ang GMA News and Public Affairs sa Twitter @gmanews.
- Latest