Hindi ang pagiging blockbuster hit ng The Mistress ang dapat ay paghinayangan ni Derek Ramsay dahil bago si John Lloyd Cruz ay sa kanya unang na-assign ang pelikula pero dahil nag-ober da bakod na nga siya kung kaya si JLC na ang gumanap ng role ng dapat ay sa kanya. Napakaganda ng role at kakaiba ang istorya, lalo na ang ending kung kaya marami ang nanghihinayang na nakakawala ito sa kamay ng aktor na una nang gumawa na may kapareho ring role sa No other Woman at tumanggap at hinangaan ng mga manonood.
Maaaring sabihin na makakagawa pa rin siya ng maraming The Mistress pero iba ang ginawa ni Direk Olive Lamasan. Like No Other Woman will be Ruel Bayani’s masterpiece.
Charee nagmarka sa Angelito
Maaaring sa mga hindi nakakapanood ng palabas ng ABS-CBN na Angelito: Batang Ama ay hindi matunog ang pangalang Charee Pineda pero ang kanyang mukha na isa sa pinakamaganda sa showbiz ay hindi maaaring hindi magmarka kahit minsan lang masilayan.
Mga anim na taon nang nag-aartista ang magandang mukha na tumutugon sa pangalang Crissha Morrison Pineda, Charee Pineda sa mga sumusubaybay ng local showbiz, lalo na sa fans ng Star Magic. Pero nito lamang siya pinagbida sa Angelito. Kapalit ng magandang break ay ang pagpayag na gumanap sa isang mature role na ay naging batang ina siya at nagkaroon ng love scene sa kanyang kapareha. Hindi naman puwedeng dayain ang eksena na hahanggan sa pagkakaroon nila ng anak dahil nasa panahon na tayo na ang lahat ng artista ay dumadaan sa mga ganitong eksena para maipamalas ang kanilang versatility. Hindi naman ito naging dahilan para mawala ang kanyang pagiging wholesome at matawag siyang sexy star.
Ang kanya pa ring magandang mukha at malinis na imahe ang dahilan kaya sa loob ng dalawang taon ay makikita ang mukha niya sa mga komersiyal at billboards bilang “New Face of BNY Jeans.”
Makakasama na siya sa mga endorser ng nasabing produkto tulad nina Barbie Forteza, Jake Vargas, at Neil Coleta. She can still do mature roles pero hinding-hindi siya puwedeng lumabas sa cover ng mga men’s magazine. ’Yun lang naman ang bawal sa bago niyang endorsement na ang mga nagsusuot karamihan ay mga bagets. Kailangang lahat ng isususot niya ay may tatak na BNY at hindi siya puwedeng masangkot sa anumang eskandalo. Pero hindi lamang naman sa pagiging New Face of BNY bawal siyang maisyu o masama sa eskandalo. Sa plano niyang paglahok sa pulitika sa nalalapit na eleksiyon, kailangang imintina rin niya ang malinis at maganda niyang imahe. Tatakbo siyang konsehal sa kanyang bayan ng Valenzuela sa Bulacan. Hindi ito ang unang pagsabak niya sa pulitika. Naging SK chairman na rin siya rati. Ngayon ay sinisimulan na niyang maglibot sa kanyang lugar hindi para mangampanay kundi para lamang maipadama sa kanila ang kanyang presence at ang layunin niyang makatulong muli sa kanila.
At 22 single pa si Charee. Ayaw muna niyang ma-in love dahil magiging abala siya sa mga darating na panahon.
Kampo ni Charice dapat talagang ma-insecure
Hindi mo nga naman masisisi ang manager ng international Pinoy singing star na si Charice na magbigay ng kanyang may hinanakit na komento sa nakikita niyang mas pagpapahalaga ng marami sa mga may dugong Pinoy lamang na nagtatagumpay sa ibayong dagat kesa sa alaga niya na taga-Laguna at Pinay na Pinay maaaring hindi na sa ayos at pananamit pero sa kanyang puso at paniniwala, pero hindi lamang matabang na tinatanggap ng kanyang mga kababayan at inaalipusta pa sa Internet.
Mabuti na lamang at mas nauna itong bigyan parangal ni German Moreno sa Wall of Fame Philippines kundi ay baka magtampo rin ito dahil kasama na rin sa nasabing lugar ang American Idol runner-up na si Jessicca Sanchez. Nakalagay na sa Walk of Fame ang star ng singer na may dugong Pinoy dahilan sa kanyang ina na taga-Bataan pero isang Amerikano kung tutuusin dahil isinilang ito at lumaki sa Amerika.