^

PSN Showbiz

Zsa zsa ayaw nang paiyak-iyak lang, handa na sa sunud-sunod na trabaho

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Masayang-masaya si Zsa Zsa Padilla sa kinalabasan ng Dolphy Alay Tawa noong nakaraang Miyerkules. Nagkaisa para sa nasabing musical tribute show para kay Dolphy ang ABS-CBN 2, GMA 7, at TV5.

“Si Kaizz (Eric Quizon) po talaga ang may gawa n’yan. Feeling niya kasi talagang kapag sinabi mong tribu­te para kay Dolphy, mahal siya ng lahat ng taga-industriya. Maganda lang na noong nasa ospital siya, noong nasa Heritage siya, lahat nagkakaisa. So, bakit hindi natin ito puwedeng gawin ulit? Masayang-masaya noong gabing iyon,” kuwento ni Zsa Zsa.

Sa pagkamatay ni Dolphy at sa pagkakaroon ng cancer ng Divine Diva ay maraming natutunan ang huli sa kanyang buhay.

“Magpakatatag talaga. Ang iniisip ko na lang palagi, ang pamilya. Huwag kang iiyak-iyak diyan, huwag kang magiging weak. Doon mo mararamdaman ang importansiya ng mga kaibigan mo, ng pamilya mo. Take good care of yourself, kahit ano pa ang pinagdadaanan mo sa buhay. It’s hard to take care of another person if you are not taking good care of yourself,” giit ng aktres.

Ngayong magaling na si Zsa Zsa mula sa kanyang pagkakasakit ay magiging aktibong muli siya sa industriya. “We’re already having talks on a new album, kasama ko si Zia rito. I’m actually filming. I miss it so much. I’m just praying that I will have the stamina for it.

“’Tapos I’m very excited na pinag-uusapan din ng ABS ang isang Valentine show na gustong i-produce. Kasama ko roon si Zia. I might be judging a new show,” imporma pa ng Divine Diva.

Isang teleserye rin ang nakatakdang gawin ng aktres sa mga susunod na buwan.

Jericho at Kim pinag-uusapan na ang kasal

Sa susunod na buwan ay mag-iisang taon na ang relasyon nina Jericho Rosales at kasintahang si Kim Jones. Naipakilala na rin ang aktor sa pamilya at mga kaibigan ni Kim sa Australia kamakailan.

Ayon sa actor, napakabait sa kanya ng ina ng girlfriend.

“’Kakatuwa kasi may halong nerbiyos saka may halong galak kasi I’ve been wanting to meet her. Actually, nag-Skype na kami before and she’s actually fun and makulit so, mana kay Kim,” nakangiting kuwento ni Jericho.

Ano naman kaya ang naging reaksiyon ng ina ng dalaga sa aktor?

Sagot ni Kim, “Super happy. Who wouldn’t love him? Very happy for me, very happy for us. They got along really well. It was a really nice trip.”

Napag-uusapan na ng magkasintahan ang tungkol sa plano nilang pagpapakasal.

“All the time but you know we’re very happy kasi eh. Kuntento naman kami. Actually, we’re very blessed to have each other and we inspire each other so once in a while we talk about it,” pagtatapat ni Jericho.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

DIVINE DIVA

DOLPHY

DOLPHY ALAY TAWA

ERIC QUIZON

JERICHO ROSALES

KIM JONES

SI KAIZZ

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with