Jennylyn naiirita na, laging nali-link sa may-asawa
Tinanong namin si Jennylyn Mercado tungkol sa intrigang siya ang itinuturong dahilan sa paghihiwalay nina Paolo Contis at Lian Paz.
‘‘Ano ba ’yan?! Bakit ako na naman? Dati kay Raymart Santiago, ngayon naman kay Paolo. Wala akong alam diyan. Nananahimik ako pero nakakaladkad pa rin sa isyu. Buti na lang at nagsalita na si Lian at may ibinigay na ibang pangalan. Pasalamat nga rin ako at dedma lang sa isyu si Luis (Manzano),” sabi ng aktres.
Walang panahon sa intriga si Jen dahil sa patuloy na blessings na natatanggap sa Itaas. Ang mahalaga ay masaya siya sa kanyang career, love life, lalo na sa anak na si Alex Jazz.
Frank gusting ipinta nang hubad si Marian
Kumuha pala ng fine arts sa University of Sto. Tomas (UST) si Frank Magalona noong 2005 pero hindi pa naka-graduate. Kapag may time ay tatapusin din niya ang kursong ito.
Mahilig siyang magpinta gamit ang oil at acrylic. Kung siya ang masusunod, gusto niyang ipinta sa kalipunan ng mga artistang babae si Marian Rivera.
Tanong namin sa kanya, bakit si Marian lang ang nabanggit niyang ipipinta?
Sagot ng Kapuso actor, “Ang ganda-ganda kasi ni Marian at lahat ng features niya ay maganda lalo na ang kanyang mga mata. Kahit pa nude painting ay siya pa rin ang aking paborito dahil ang ganda-ganda ng kanyang katawan. Kaya hindi ko siya pinalalampas na hindi panoorin noon sa Marimar na siya ang bida.”
Kasama si Frank sa Hindi Ka Na Mag-iisa bilang kasapi sa masasamang elemento ng lipunan at masugid na manliligaw ni Jennylyn na bida ng afternoon series.
Natutuwa ang aktor dahil dumarami na ang kanyang proyekto sa GMA 7 kaya nahahasa na sa akting.
MR. POGI pang-leading man agad
Lahat ng naging finalists ng Mr. Pogi na inilunsad ng Eat Bulaga ay puro may K. Lahat sila ay puwedeng mag-artista lalo na ang Mr. Pogi 2012. Sabi nga ni Marian Rivera na isa sa judges, lahat ay puwedeng maging leading man niya sakaling pumasok sa showbiz.
- Latest