Sobrang singil sa kuryente, hihimayin ni Ted

 MANILA, Philippines - Sumasakit na rin ba ang inyong ulo sa taas ng singil sa inyong kuryente?

Kadalasan ay wala ng magawa ang isang ordinaryong konsyumer kung hindi bayaran ang bill kaya naman para mas lubusang maunawaan, hihimayin ni Ted Failon ang bawat nilalaman at binabayaran ninyo sa inyong bill sa kuryente ngayong Sabado (Sep 22) sa Failon Ngayon.

Makikita sa bill ang mga tinatawag na Generation Charge— ang pinaka-malaking bahagi ng electric bill— ang Transmission Charge, ang Distribution Charge at iba pa kasama na ang tinatawag namang System Loss.

Ang Transmission Charge ay ang sinasabing na­wa­walang kuryente mula sa Generator patungo sa Distributing Utility. Ang kuryente na nawawala mula sa Distributing Utility patungo sa mga kabahayan ay ang tinatawag naman na System Loss. Parehong ang Transmission Charge at System Loss ay bina­bayaran ng taong bayan. Makataru­ngan nga bang ang kuryenteng nawawala at hindi natin napapakina­bangan ay binabayaran din ng mga mamamayan?

Kamakailan lamang, nagreklamo ang Meraldo ng overcharging sa transmission line costs ng Po­wer Sector Assets and Liabilities Management o PSALM, ang kasalukuyang generator at provider ng Me­ralco. Malinaw na mayroon ngang nangyayaring overcharging mula pa noong 2006 hanggang sa kasalukuyan.

Show comments