AiAi ipinalit Kris nag-backout sa MMFF movie nila ni Vice Ganda

Inaabangan namin sa Twitter kung ia-announce ni Kris Aquino na hindi na niya gagawin ang Star Ci­nema entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na Sisteraka. Nabalitaan kasi naming nag-beg off si Kris na gawin ang pelikula on her doctor’s order. Tila may problema ang boses ng TV host-actress kaya pinayuhan ng doktor na bawasan ang workload.

Pero tuloy pa rin ang pelikula at si AiAi delas Alas ang ipapalit kay Kris at dahil si Vice Ganda ang kasama dapat ni Kris sa movie, sina Vice at AiAi na ang mga bida ng Sisteraka. Maganda pa rin kung kasama si Kris sa movie, ’no?!

Kung tuloy na si AiAi sa movie, ibig sabihin, may entry pa rin siya sa MMFF pagkatapos niyang hindi matuloy sa Si Enteng, si Agimat, at Me nina Sen. Bong Revilla, Jr., Vic Sotto, at Judy Ann Santos.

Busy ang schedule ni Kris dahil may Kris TV na, nagti-taping pa ng teleserye ng ABS-CBN na Kailangan Ko’y Ikaw, at malapit nang magbalik ang Pilipinas Got Talent.

Barbie paliliparin

Kahapon ginawa ang storycon ng Mariposa, pag­bibidahan ng love team nina Barbie Forteza at Der­rick Monasterio, sa direction ni Mark Reyes. Nag-click nga ang tambalan ng mga bagets na unang na­panood sa Luna Blanca, kahit sandali lang dahil paglaki ng karakter nila, sina Blanca (Heart Evangelista) at Joaquin (Mark Herras) na ang magkapareha.

Tila fantaserye ang Mariposa dahil may nabasa kaming na-tweet ng scriptwriter nitong si Kit  Langit na lilipad na si Mariposa. Ipakikilala rito ang love team nina Miguel Tan Felix at Bianca Umali at kagabi makukumpirma kung kasama nga sina Maritoni Fernandez at Agot Isidro.

 Hindi pa namin alam ang time slot ng Mariposa pero puwedeng pag-Afternoon Primetime ng GMA 7.

Richard tagapagmana ni Paolo

Ini-announce ni Ruffa Gutierrez sa Twitter na may two projects sina Richard Gutierrez at Marian Rivera at isa na ang sisimulan nilang reality show na Extra Challenge. Tanungan ang mga nakabasa kung pelikula ang tinutukoy ni Ruffa na isa pang project nina Richard at Marian.

May naririnig na rin kaming movie project ng dalawa at ang sabi pa nga, sinusulat na ang script. Kung matutuloy, co-produced tiyak ang movie ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc. dahil may kontrata sa Regal si Marian at si Richard nama’y sa GMA Films. Matagal nang nire-request ng fans ang follow-up movie sa My Bestfriend’s Girlfriend at napapanahon na nga na sundan.

Samantala, naaliw kami sa ipinoste ni Paolo Bediones na picture nila ni Marian sa taping ng Dolphy Alay Tawa at ang caption ay “the past and future hosts of Extra Challenge.”

Siguradong napapansin ni Paolo na ’yung mga dati niyang hino-host na rea­lity show sa GMA 7 ay kay Richard ibinibigay gaya ng Extra Challenge at Survivor Philippines.

Young actor ayaw magregalo ng kotse sa GF

Parang wala pang balak ang young actor na hiwalayan ang GF dahil nag-iisip pa siya ng birthday gift sa nobya. Kundi kami nagkakamali’y next week na ang kaarawan ng aktres at pressured na ang aktor sa paghahanap nang ireregalo sa dalaga at gusto niya’y magagamit nito sa araw-araw.

Nang i-suggest ng press na kotse ang iregalo niya, natawa ang aktor. Mas­yado nga namang mahal ang kotse. Kung ganyang may balak pang regaluhan ng aktor ang syota niya, mukhang sila pa, unless magaling lang magtago ang aktor.

Matagal na ang relasyon ng dalawa at may ilang manghihinayang kung mapupunta lang sa break-up. Kundi kami nagkakamali, first BF ng aktres ang actor. Pero siya ay pang-anim na  karelasyon na yata ng binata.

Show comments