Talagang ito si Regine Velasquez, walang ka-effort-effort magpatawa. Guest ito kagabi sa Bubble Gang at talaga namang pinasaya niya lahat ng manonood ng gag show at maging ’yung mga artista nito.
Tama lang ang sabi niya na gamay niyang magpatawa at sa drama lamang siya may takot. Pero hindi ako agree dahil napanood ko na rin siya sa isang iyakang movie with Piolo Pascual at talaga namang nadala niya ako sa kanyang pagdadrama.
Awayan ng network hindi umubra kay Dolphy
Tama si Manay Ethel Ramos sa pagsasabi na kung magkakaisa lamang ang mga network ay lalo pang mapagaganda at mapapasigla ang mundo ng telebisyon. Tama na sana ’yung away-away. Maglaban na lamang sa pagandahan ng mga shows.
‘Yung tribute kay Dolphy ay naging maganda dahilan sa pagsasama-sama ng tatlong major networks.
Nakakatuwa na kahit na kanyang kamatayan ay nagawa pa ng Hari ng Komedya na mapag-isa ang tatlong warring networks na pinaghihiwalay ng kanilang kagustuhang magari sa ratings. Masyadong maraming manonood ng telebisyon sa bansa kung kaya walang network ang hindi kikita.
Sabi ko nga, pagandahin lang naming lahat ang aming mga ipinalalabas at siguradong panonoorin kami.
Nora nenega na naman
Hindi naman ang pag-awit ni Nora Aunor ang nagbigay lugod sa mga nanood ng tribute para kay Dolphy. Alam naman ng lahat ang estado ng kanyang boses na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin na maoperahan kaya okay na sa kanila ang naging partisipasyon niya sa nasabing fund-raising event. Ang mahalaga ay nandun siya para magbigay ng kanyang suporta. Huwag nang bigyan ng pagpapahalaga ang mga kanegahan ng marami sa hindi magandang boses niya. Ke kumanta siya, tumula o nagsalita lamang, sapat na ang presence niya para masabing nakisama siya para sa isang namatay na kaibigan at colleague.