Marian at Heart 'pinagbati' ni Dolphy!

Good news ang nabalitaan naming nagkabati sina Marian Rivera at Heart Evangelista sa Dolphy Alay Tawa Concert. Nagkasama raw ang dalawa sa holding area ng MOA Arena, nilapitan ni Heart si Marian para magkabati na sila.

Tinanggap naman ni Marian ang pakikipagbati ni Heart.

At least, magkasalubong man sila sa GMA Studio o saan mang lugar, hindi na sila magkakailangan. Puwede na ring mag-guest sa Extra Challenge  si Heart!

Ang ganda nang nangyari, ang Comedy King na si Dolphy pa ang naging tulay para matapos na ang conflict ng dalawang Kapuso stars.

Samantala, hindi na lang sa Luna Blanca magkasama ang magkaibigang Heart at Bianca King dahil pati sa pelikulang Sossy Problem na entry ng GMA Films sa MMFF.

Wala sa original cast si Heart, pumasok lang siya nang mag-backout si Isabelle Daza. Agad nag-swak si Heart kina Solenn Heussaff, Rhian Ramos, at Bianca dahil sosyalera rin ito.

Actor na rumampa

sa Cosmo tinilian ng girlfriend at gay benefactor na parehong nasa audience                                               

Dahil sa ingay at pagkakagulo sa nakaraang Cosmo Bash, hindi napansin ng mga dumalo ang presence ng gay benefactor ng isa sa mga aktor na rumampa. Ang nakakaloka, naroon din to cheer, ang GF ng actor na hindi alam ng press kung aware sa tsikang gay benefactor ang karibal niya sa puso ng BF.

Kung gaano kaingay mag-cheer ang GF ng aktor, siya namang tahimik at ka-low profile ng gay benefactor ng actor. Pangiti-ngiti lang ito, ni hindi yata malakas ang palakpak nang rumampa ang actor, kasama ang mga kaibigang tahimik din siyang binibiro.

This is not the first time na natsismis na may gay benefactor ang actor at masuwerte ito dahil tahimik ang nakukuhang gay benefactors. Nagtataka naman ang press kung bakit pumapayag magkaroon ng gay benefactor ang actor gayung maganda naman ang takbo ng kanyang career at may very productive business.

Frank maraming pinaghuhugutan

Nag-i-enjoy si Frank Magalona sa role niyang si Mark sa Hindi Ka Na Mag-iisa dahil hindi lang siya nagda-drama, may konting action din dahil sa karakter niyang carnapper. 

Nagulat kami sa huling sinabi ni Frank na marami siyang paghuhugutan, pero hindi nag-elaborate at makikita na lang ng viewers.

Samantala, hindi na lang sa pag-arte mapapanood si Frank dahil pinasok na rin niya ang ma­ging recording artist. Sa halip na album, single ang ire-release niya every two months at ang first single na Ang Hari to be released in October ay tribute niya sa amang si Francis Magalona. Siya rin ang composer ng song at siya ang magdidirek ng music video nito.

Busy sa kanyang showbiz career si Frank, wala siyang time to paint dahil graduate siya ng Fine Arts sa UP. Given the choice kung sino sa Kapuso actresses ang gusto niyang ipinta, si Marian Rivera agad ang isinagot niya. 

Louise mas gusto ang katotohanan

Gusto ni Louise delos Reyes na may halong katotohanan ang maging ending ng love story nina Tisoy (Alden Richards) at Elize (Louise) sa One True Love  na malapit nang magtapos. Alam niyang gusto ng viewers at fans nila ni Alden ng happy en­ding, pero para sa kanya, mas maganda kung re­ya­li­dad ng buhay ang ipakita.

Maganda ang sagot ni Louise kung sino kina Leila (Agot Isidro) at Ellen (Jean Garcia) ang better mom kay Elize?

 “From the viewers point of view, hindi na-feel ni Elize kay Leila na mahal siya nito but, towards the end, ipinakita niyang mahal niya si Elize. Noong down si Elize, naroon si Leila, pero tumulong ding mag-alaga si Ellen. Pareho silang naging mabuting ina at kung ako talaga si Elize, I’d be happy to have two mothers.”

  

Show comments