Nagpaalam muna kami kay Jennylyn Mercado nang puntahan namin sa set ng Hindi Ka Na Mag-iisa kung puwedeng itanong ang pagkakadawit niya sa hiwalayang Paolo Contis at Lian Paz. Alam na pala niya ang tsismis at naloloka siya dahil matagal na silang hindi nagkikita ni Paolo na kumpare pala niya dahil inaanak nito ang anak na si Alex Jazz.
Inalam ng press kundi ba naaapektuhan ang relasyon nila ni Luis Manzano sa mga ganitong tsismis?
“Si Luis ang unang nagsabi na may lumabas na blind item. “Sabi niya, matsmats (terms of endearment nila) may tsismis sa ’yo. ‘Kaloka lang! Baka gusto nilang mag-away kami ni Luis at masaya sila roon. Hindi siya naniwala. Hindi nga kami nag-aaway at ’pag nagkaroon ng misunderstanding, mababaw lang. Masaya lang kami, halos hindi kami nag-aaway and it helps na pareho kaming hindi selosa’t seloso.”
Hindi maintindihan ni Jennylyn ang pagkakasangkot niya at nagbirong lahat na lang nang hiwalayan, sa kanya isinisisi. Nag-text na siya kay Paolo at sinabihang umuwi na siya para linisin ang pangalan niya.
Janice nagkasya sa ref!
Nagsisigawan ang tao sa premiere night ng Pridyider dahil sa mga nakakagulat at nakakatakot na mga eksena. Nagulat kami sa role ni Janice de Belen at talagang nagkasya siya sa refrigerator. Showing ang pelikula simula pa kahapon sa direction ni Rico Ilarde.
Present ang buong cast ng movie sa pangunguna ni Andi Eigenmann, pero hindi na nanood si JM de Guzman dahil humabol sa Cosmo Bash. Escort ni Venus Raj ang BF niyang si Andrei Felix at napansin naming mas mataas ang dalaga.
Sabi ni JM, first mainstream movie niya ang Pridyider na bida siya, kaya wish nitong suportahan para kumita. Very happy siya na kinuha siya ng Regal at nag-sorry sa hindi pagdating sa presscon nito sa sobrang puyat at pagod.
Direk Marilou kailangan pa ng maraming pera
Nalaman namin kay Marc Abaya na for sale ang kinatitirikan ng film institute ng inang si director Marilou Diaz-Abaya dahil kailangan nila ng pera sa patuloy na pagpapagamot ng ina. Nalulungkot man sa nalalapit na pagtatapos ng Faithfully, natutuwa na rin ito dahil may time uli siya to spend with his mom na “sometimes up, sometimes down” daw ang kondisyon. Pero patuloy silang umaasang gagaling ang ina sa breast cancer.
Sobrang apektado si Marc sa karakter niya sa programa at para ma-release ang mabigat na naramdaman, nagpa-tattoo siya, 13 body tattoos. Hanggang sa bahay dala-dala niya ang karakter at male-let go lang niya ‘pag natapos ang soap sa October 5.
Carl ‘di nagpakita ng puwit kaya dinedma!
Nahulaan naming wall paper ng cell phone ni Carl Guevarra ang picture ni Kris Bernal nang ayaw ipakita sa amin ang cell phone. Kung anu-anong alibi ang sinabi para hindi namin matingnan ang picture nang nililigawan for three months na.
Anyway, isa si Carl sa kasama sa cast ng Hindi Ka Na Mag-iisa at excited sa mangyayari sa kanyang karakter na magiging kakampi ng karakter ni Jennylyn Mercado.
Samantala, hindi na-offend si Carl sa sinabi ng tao na hindi siya naramdaman sa Bench Fashion Show dahil hindi siya nagpakita ng behind. Bench pants daw ang inirampa niya sa fashion show, kung sa Cosmo bash siya rumampa, baka nagpakita siya ng puwit. Kaso, hindi siya pinag-Cosmo ng manager niyang si Perry Lansigan, kaya sorry na lang!