^

PSN Showbiz

Anne, Derek, at Andi maiinit ang gagawin sa a secret affair!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Final na pala : A Secret Affair ang title ng pelikula nina Anne Curtis, Andi Eigenmann, at Derek Ramsay.

May pictorial na sila bukas at nakakailang shooting days na sila.

Love–triangle story ang pelikula nina Rafi (Anne), Sam (Andi), at Marc (De­rek).

Sa nabasa kong synopsis, maganda ang takbo ng kuwento ng pelikula at malayo sa naunang pelikula nina Anne at Derek na No Other Woman na tumabo sa takilya. Mukhang maiinit din ang gagawin ng mga bida sa kanilang mga eksena.

Si Anne ay anak-mayamang bachelorette na gustong matupad ang kanyang pangarap at ni-reject na maging part ng kanilang unglamorous family business. Kasama rin siya sa grupong Friday Club kung saan nakakasama niya ang mga kaklase sa college pero committed siya sa kanyang partner in life na inoperan siya agad ng kasal.

Pero may kakaibang personalidad si Anne na lumalabas sa kanyang club tuwing makakasama niya ang mga barkada na dapat nating madiskubre pag ipinalabas na ang kanilang pelikula.

Si Sam naman ay bad girl, happy-go-lucky at magkakaroon ng kakaibang koneksiyon kay Anne.

Interesting ang kuwento kaya siguradong aabangan ito ng mga mahilig sa sine na gumagastos para manood.

Wala pang playdate ang isusunod na pelikula ng Viva Films pagkatapos ng Of All The Things starring Aga Muhlach and Regine Velasquez na showing na sa September 26 sa lahat ng sinehan sa Metro Manila. Magkakaroon ito ng premiere night sa Friday.

Singer ang lakas ng loob mag-araneta kahit hindi nakapuno ng maliit na venue

Paano kaya kikita sa Araneta Coliseum ang concert ng isang singer-actress samantalang nang mag-concert nga siya sa maliit na venue hindi na tinao. As in halos hindi kumita ang mga producer niya sa maliit na venue. So paano pa ang Araneta na halos 13,000 ang capacity?

Kung ‘yung ibang singer nga hindi naglalakas ng loob na mag-Araneta sa takot, pero itong si singer ay malakas ang loob.

Goodluck to her.

Mga gustong manligaw kay sarah biglang natupi nang dumating si richard

Simula pala nang manligaw si Richard Gutierrez kay Sarah Labahti wala nang ibang nakakalapit sa Kapuso young actress. Bagyo raw kasi ang dating ni Richard as in wala nang ibang makaporma dahil nga binabakuran na ni Richard kahit sa mga regional shows ng GMA 7 na ngayon ay madalas na ring mag-join si Richard.

Panay na rin daw ang duet ng dalawa at kinikilig-kilig pa ang actor-TV host.

Kaya ang ending, natupi ang ibang mga matagal nang nagbabalak manligaw kay Sarah simula nang duma­ting si Richard.

Lorenzo’s three weeks na lang

Malapit nang magtapos ang top-rating Kapamilya teleseryeng pinagbibidahan nina Zaijian Jaranilla at Carmina Villaroel na Lorenzo’s Time.

Mula nang umere noong Hulyo 2012, maraming TV viewers ang gabi-gabing napapatawa, napapaiyak, at nabibigyang pag-asa ng batang-matanda na si Enzo (Zaijian) na hinarap ang kakaibang buhay niya nang buong tapang.

At ngayong magwawakas na ang Lorenzo’s Time, mas tumitindi ang excitement ng TV viewers hindi lamang sa kahihinatnan ng relasyon ng magkapatid na Enzo at Archie (James Blanco), kundi maging sa lalaking makakatuluyan ni KatKat (Carmina). Paano palalalain ni Mildred (Amy Austria-Ventura) ang pagkakalabuan nina Enzo at Jonas?

Matapos ang lahat ng nangyari, matututunan pa ba ni KatKat na buksan ang puso upang magmahal muli? Anong gagawin ni Enzo sa sandaling subukin siya ng dati niyang sakit? Eere ang final episode ng Lorenzo’s Time sa Oktubre 5.

A SECRET AFFAIR

AGA MUHLACH AND REGINE VELASQUEZ

ALL THE THINGS

AMY AUSTRIA-VENTURA

ANDI EIGENMANN

ANNE CURTIS

ENZO

LORENZO

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with