Jessica guwardiyado-sarado para hindi pagkaguluhan ng fans

Dumating na ng bansa kahapon ang 10 American Idol finalists. At kahit maaga ang naging pagdating nila, sinalubong sila ng maraming fans sa NAIA. Pero ‘di tulad ng mga kasama niya na dumaan sa natural procedure, hindi nakita si Jessica Sanchez na gwardyado-sarado ng kanyang mga bantay para hindi na ito dumugin. Idinaan ito sa isang lugar na kung saan ay libre ito sa mga naghihiyawang fans.

Melai ayaw nang seryosohin Si Jason

Sa kabila ng kanilang kakulangan para masabing magaling sila at tunay na host, may demand para kina Melai Cantiveros at Jason Francisco, kaya palagi silang igini-guest ni Kris Aquino sa programa nito. Without really trying,­ talagang napapasaya nila hindi lamang ‘yung mga studio audience kundi ‘yung mga nanonood sa kanilang mga bahay.

Komedyante talaga sila. Sayang at hindi na sila. Sila talaga ang bagay. Pero, kung titingnan ko, parang si Melai ang hindi seryoso sa dalawa.

Aiza may paggalang

‘Yung loyalty ni Aiza Seguerra kay Sen. Tito Sotto ang talagang hinahangaan ko. Ito ang madalas ay hanap ko sa mga tao at madalas nabibigo ako na makita ito. Kahit magkataliwas ang paniniwala nila sa RH Bill binibigyan puwang niya ang karapatan nilang magkaroon ng hindi parehong paniniwala. Ayaw lamang niya ay ‘yung ginagawang personal ang pagtatalo-talo para rito, at nauuwi na sa panlalait ang diskusyon dito.     

Tama! ‘Yun ang kailangan siguro nating mapag-aralan, na tanggapin at igalang ang karapatan ng bawat isa sa atin.

Show comments