Aktor galit sa kaibigang aktres na pinatos ang manunulot!

Masama ang loob ng aktor sa aktres na kaibigan niya. Na-hurt ang aktor dahil nakipagrelasyon ang actress friend niya sa tao na main reason ng paghihiwalay nila noon ng kanyang ex-girlfriend.

Quiet lamang ang actress-friend. Wala siyang masabi dahil in love na in love siya sa tao na hate ng kanyang kaibigan na aktor. Mas umiiral ang matinding pagmamahal niya sa current boyfriend kesa sa kanyang friend. Hahamakin ng aktres ang lahat para ipaglaban ang kanyang pagmamahal na wagas na wagas.

Protégés mga mukhang artista na

Nagpunta ako kahapon sa headquarters ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break dahil sa hosting activities ng remaining nine contestants ng talent search show ng GMA 7.

Maayos at komportable na tirhan ang Protégé headquarters kaya may reason para malungkot ang mga aspiring star na natsugi.

Imposibleng hindi nila ma-miss ang temporary shelter na ginastusan ng Kapuso Network.

Nalaman ko na sa mga mentor, masipag bumisita sa headquarters sina Phillip Salvador at Gina Alajar. Type na type naman ng production staff ang Protégé co-host na si Jennylyn Mercado dahil sa madalas na pagdadala nito ng mga pagkain sa tuwing may taping siya. Feel na feel ng production staff ang generosity at ang thoughtfulness ni Jennylyn.

May star quality na ang mga Protégé contestant. Natuto na sila na manamit at mag-ayos sa sarili. Nadagdagan din ang kanilang confidence na mahalaga para sa isang ordinaryong tao na walang showbiz background at nangangarap na maging bahagi ng entertainment industry. Sa madaling-salita, mga mukhang artista na sila.

AI finalists pinagkaguluhan dahil kay Jessica

Nabuhay uli ang interes ng mga Pilipino sa American Idol dahil sa pagdating sa bansa ng Top 10 finalists ng talent search show sa US na unti-unti nang nawawalan ng kinang.

Kung walang dugong Pinay si Jessica Sanchez, malamang na dinedma ng mga Pinoy ang arrival ng Idol contestants.

Dapat tanggapin ng Top 9 finalists na malaki ang kinalaman ni Jessica kaya pinagkakaguluhan sila ng ating mga kababayan. Kita n’yo naman, ang Pilipinas ang nag-iisang bansa sa Asia na kanilang pinuntahan dahil sa clamor ng mga Pinoy na ma-sight ng personal si Jessica.

John Apacible ipinagluluksa pa rin ng GF

Hindi puwedeng itanggi na anak talaga ng namayapang aktor na si John Apacible ang baby girl ng kanyang girlfriend na si Anna Leah Javier.

Carbon copy ni John ang cute na cute na bagets, base sa litrato na nakita ko. Isinilang ni Anna Leah sa Amerika ang anak nila ni John. May plano siya noon na magbakasyon sa Pilipinas, kasama ang kanyang anak pero hindi yata natuloy. Matagal nang naninirahan sa New York ang former sexy star na ipinagluluksa pa rin ang maagang pagpanaw ng kanyang boyfriend.

Tambalang Richard at Marian ikina-excite ng fans

Excited ang fans nina Marian Rivera at Richard Gutierrez sa nalalapit na pagsisimula ng Extra Challenge, ang reality show ng GMA 7 na ibabalik sa ere.

 Marami ang nagulat dahil hindi nila inaasahan na magkakasama sa isang reality show ang dalawa. Nalimutan yata nila na sina Richard at Marian ang magkapareha sa isang pelikula noong kainitan ng Marimar.

Napansin ang chemistry nina Richard at Marian nang mag-guest ito sa isang episode ng Pinoy Adventures. Noon pa napatunayan ni Richard ang husay bilang host ng reality show at dahil natural na komedyante si Marian, bagay na bagay sila na magkasama sa bagong Extra Challenge.

Show comments