Ronnie Rickets tuloy ang shooting kahit abala sa OMB
Nabigyan ng papuri ang Optical Media Board (OMB) sa pangunguna ni Chairman Ronnie Ricketts sa 2012 Special 301 Report ng International Intellectual Property Alliance (IIPA) for recognizing the positive developments sa proteksiyon ng intellectual property rights sa Pilipinas dahil sa pagsugpo sa piracy.
Binigyang halaga ang dami ng information campaign, pakikipag-dialogue sa ating Muslim brothers, at ang matagumpay na clearing operations.
Binibigyan din ng mala-king suporta si Chairman Ronnie ng PARI (Philippine Association of the Record Industry, Inc.) at Motion Pictures for Anti-Piracy dahil sa kanyang dedikasyon at achievements sa buong ahensiya.
Nagkaroon ang OMB kamakailan ng Memorandum of Understanding (MOU) with Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni PNP Chief Nicanor Bartolome.
Ang OMB head ang napiling maging mukha ng global anti-piracy campaign ng ABS-CBN’s The Filipino Channel (TFC) na nagki-cater to three million overseas Filipinos.
Ang kasipagan sa trabaho ay naisasabay pa niya ang paggawa ng pelikulang The Fighting Chefs na pinagbibidahan niya na kasama sina Kusina Master Chef Boy Lagro, Vandolph, John Hall, Joross Gamboa, Hero Angeles, Arci Muñoz, Jade Lopez, Dinky Doo, Jeffrey Santos, Roi Vinzon, Shalala, at marami pang iba. Malapit na itong ipalabas.
Katulong nito ang magandang misis na si Mariz sa pagiging line producer ng pelikula.
Sabado Boys tuloy pa rin
Nagsimula ang Sabado Boys noong 2006, isang TV show na kinonsepto sa RPN 9 sa orihinal na Saturday time slot. Ang cast ay binubuo ng singer at co-producer na best acoustic singers ng bansa: El Musikero Jimmy Bondoc, Mr. Acoustic Paolo Santos, King of R&B Luke Mijares, Beatbox King DJ Myke Solomon ng AKAFellas, at dalawa pang OPM singers na hindi na kasali sa grupo.
Matapos ang three seasons napunta ang TV show sa Studio 23 at TV5.
Noong 2008 nag-release ng debut album ang Sabado Boys entitled Saitai under Galaxy Records na binubuo ng local at international hits.
Nai-release nila kamakailan ang second album na Back With a Vengeance na ang tema ay inspired sa The Avengers album artwork.
Sabi nga ni Jimmy, ‘‘We may look like fun, relaxed people but when we sing, we truly perform.’’
- Latest