^

PSN Showbiz

Ang dami pa namang dapat ipaliwanag

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

Paolo gustong manahimik

 

PIK: Tuwang-tuwa si Mikael Daez sa pagkapili sa kanya bilang Peace Ambassador ng ating bansa.

Hindi niya alam kung ano ang batayan nang pagkapili sa kanya ng Malacañang kasama ang ilan pang celebrities gaya nina Anne Curtis, Noel Cabangon, Epy Quizon, Christian Bautista, Gerald Anderson, at marami pang kilalang celebrities.

Nangako naman ang bida ng Sana ay Ikaw na Nga na gagampanan niya nang mabuti ang bagong responsibilidad na ibinigay sa kanya mula mismo sa tanggapan ng ating Pangulong Noynoy Aquino.

PAK: Isinilang na pala ni Angelica Jones ang first baby boy niya na hindi pa rin nagpapakita ang itinuturo niyang nakabuntis sa kanya.           

Pinangalanan niya itong si Angelo Timothy Benedict dahil dapat mahaba ang pangalan para mahaba ang buhay at suwerte ito.

Ayon pa sa bokal ng Laguna, hindi na siya umaasang magkaayos sila ng ama ng kanyang anak. Pero sana kilalanin naman niya ito dahil kamukhang-kamukha nito ang baby na hindi maitatanging siya ang ama ng naturang bata.

 “Hindi ko na kailangan magpaliwanag, nandiyan na ang ebidensiya eh,” pahayag ni Angelica na tuwang-tuwa sa kanyang baby.

BOOM: Inaasahang darating si Paolo Contis bukas pagkatapos ng show nila ng Manny Many Prizes sa Amerika.

Maraming isyung dapat sagutin ni Paolo kaugnay sa hiwalayan nila ni Lian Paz.

Pero sa huli naming pakikipag-text sa aktor, parang ayaw na niyang magsalita.

Mas gusto na lang niya nang tahimik na hiwalayan at maayos na pag-uusap kay Lian.           

Ang huli namin pakikipag-usap kay Lian, parang masama pa ang loob nito kay Paolo pero mas gusto niyang manahimik na lang muna alang-alang sa kanilang dalawang anak.           

       

ANGELICA JONES

ANGELO TIMOTHY BENEDICT

ANNE CURTIS

CHRISTIAN BAUTISTA

EPY QUIZON

GERALD ANDERSON

LIAN

LIAN PAZ

MANNY MANY PRIZES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with