^

PSN Showbiz

Karen Davila OA ang drama tuwing magre-report!

- The Philippine Star

Bakit ba sa tuwing magre-report si Karen Davila, parating may drama ang dialogue.

Alam mo ‘yun, parang punung-puno ng emosyon at apektadong-apektado siya sa mga ibi­nabalita niya.

Samantalang manood ka sa mga international channel at kahit nasa gitna ng giyera ang mga news reporters, composed, walang acting at drama ang pagde-deliver sa ibinabalita.

Although maraming mga news anchors and reporters sa ibang local TV network ang mada-drama ring magbalita, pero ibang level talaga ang kay Ms. Davila.

Venus Raj at Ms. Tessa naghiraman ng damit?

Naghiraman lang kaya ng damit sina Ms. Venus Raj at Ms. Tessa Prieto-Valdes? Look ninyo ang photo at iisa ang damit nila.

Naunang nakita ang damit kay Venus Raj nang mag-host siya sa Binibi­ning Pilipinas 2012. Nakita namang suot ni Ms. Tessa ang damit sa first night nang ginanap na Bench Universe sa Arena last Thursday night.

Designer ang may kasalanan? Hindi siguro nito naisip na magkakadiskub­rihan. Unless pareho lang ng brand ang damit at binili lang nilang ready to wear na parang hindi naman.

Isang kaibigan ang nakapansin sa ‘iisang’ damit nila Ms. Tessa and Venus.

Kapamilya Stars, makikiisasa Dolphy alay tawa

Magsasama-sama na sa iisang entablado ngayong Miyerkules (Setyembre 19) ang pinakamalalaking pangalan sa mundo ng showbiz sa engrandeng tribute concert na Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Comedy, upang bigyang-pugay at ipagdiwang ang buhay ng namayapang Comedy King na si Dolphy.

Sa pangunguna ng mga naiwang anak ng Comedy King at ng partner na si Zsa Zsa Padilla, makikibahagi rin sa makasaysayang tribute concert ang ilan sa naglalakihang Kapamilya stars na sina Judy Ann Santos, Gary Valenciano, Martin Nievera, AiAi delas Alas, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, Angeline Quinto, Luis Manzano, John Prats, Iya Villania, Smokey Manaloto, Jhong Hilario, Melai Cantiveros, at Neil Coleta.

Samantala, bilang parte ng pagpapaligaya, pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga Pilipino, ang lahat na kikitain ng proyektong Dolphy Alay Tawa ay nakatakdang mapunta sa Eyebank Foundation Philippines, Hope in a Bottle, Philippine Red Cross, at Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation.

Huwag palampasin ang Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Comedy sa SM Mall of Asia Arena sa Miyerkules (Setyembre 19), 7:00 p.m.

Para sa tickets tumawag lang sa 470-2222 o mag-log on sa www.smtickets.com. Para naman sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

vuukle comment

A MUSICAL TRIBUTE

ANGELINE QUINTO

BENCH UNIVERSE

COMEDY KING

DAMIT

DOLPHY ALAY TAWA

KING OF COMEDY

MS. TESSA

VENUS RAJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with