^

PSN Showbiz

Sosyal

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Charice tuwing weekends lang nasa ‘Pinas, nasa Amerika mula Lunes hanggang Biyernes!

Isang kakaibang presscon ‘yung ginanap nung Biyernes ng hapon sa Dolphy Theater para sa X Factor 6 na binubuo ng tatlong mini-mentor ni Martin Nievera, dalawa kay Charice at isa kay Gary Valenciano.

Nagsimula ang paligsahan ilang buwan na ang nakakaraan para sa paghahanap ng ABS-CBN ng kauna-unahang winner ng The X Factor Philippines at next big multi-media superstar ng bansa. At bagaman at maaga pa ay natalo nang lahat ang mga contestants ni judge/mentor Pilita Corrales, pa­tuloy pa rin ang trabaho niyang makatulong sa tatlo niyang mga kasamahan para humanap ng winner.

Nung Biyernes na iharap ang anim sa entertainment media, hindi lamang sila ipinakilalang isa-isa, up close and personal, they were also required na mag-perform at ipamalas ang mga talent nila na  nagdala sa kanila ng ganito kalayo sa contest. This time, the press were asked to judge them sa harap ng mga tumatayong mga tunay na hurado sa TV. Tatlo sa mga entertainment writers were chosen for the task, sina Manay Ethel Ramos ng Malaya, Mario Bautista ng People’s Journal at Leo Bukas ng People’s Tonight.

Hindi nalalayo ang mga judgment ng tatlo kina Jeric Me­dina, Gabriel Maturan, Daddy’s Home, Kedebon Colim, Allen Sta. Maria at KZ Tandu­ngan. Nakita ang kagalingang mag-perform nina Ke­debon Colim at KZ Tandingan. Nakita rin na bu­kod sa pagkakaroon ng magagandang boses ay na­paka-telegenic ng dalawang pambato ni Mar­tin na sina Jeric Medina na nagsimulang mataba sa contest pero kinarir ang pagpapapayat at ang m­labis na kapayatan ni Gabriel Maturan na pinayuhan namang magdagdag ng timbang dahil bagaman at hindi nakikita ang kapayatan niya sa TV, pansing-pansin naman ito sa personal. Sayang ang mga boses nila kung hindi matutumbasan ng mga katawang artistahin na siyang hanap ng X Factor Philippines.

Sana hindi nasiraan ng loob ang grupong Daddy’s Home ni Gary Valenciano sa sinabi ni press/judge Mario Bautista na dehado sila sa pakontes na ang kadalasang nanalo ay solo act at hindi group act. Magaling silang mag-blend ng boses at bebenta raw ang record na gagawin nila. Disadvantage lamang nila ang kanilang mga edad sa panahong ito na maraming bagets ang namamayani. Lalo na sa abroad.

Dalawang babae lamang ang nakalusot sa maraming nakasali sa contest, at pareho silang mga mine-mentor ni judge Charice na hindi nakarating ng hapong ‘yun dahil tuwing weekends lamang ito bumabalik from Los Angeles, California, USA na kung saan siya ay naka-base. Nakatakda pa lamang itong dumating nung Biyernes ng gabi para sa Saturday/Sunday episode ng contest at babalik muli ng Amerika, kinabukasan makatapos ang programa.

Kasama pa rin sa The X Factor Philippines bilang host si KC Concepcion.

TV host nagka-interes sa Ms. Olive

Nagagawa rin ng Psalmstre, kumpanya ng mga sabon at gamit na pampaputi tulad ng New Placenta, Olive C,  para sa mga  bagets, Glutamin at ng pabangong Scent J. Nakatakda pa lamang pumunta ng Guatemala sa Central America ang dalawa nilang winners ng Mr. & Ms. Olive  C, pero nakapagdaos na sila ng kanilang regional finals para sa Olive C Campus Model –Northern Luzon. Magaganap ang finals ng Mr. & Ms. Olive C sa January 26, 2013.

Ang mga winners last year na sina Muriel Orais ay naging Ms. Philippines Earth- Water at si Hiro Magalona ay isa nang sumisikat na Kapuso actor ngayon.

Ang Olive C Campus Model 2012 winner na si Rohama Rearte ay pinababalik ni Willie Revillame sa  kanyang programa pagkabalik nito galing Guatemala. 

vuukle comment

ALLEN STA

BIYERNES

CHARICE

GABRIEL MATURAN

GARY VALENCIANO

MARIO BAUTISTA

MS. OLIVE

SHY

X FACTOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with