John Lloyd at Angelica, lumipad pa-Europe!
Matapos mabalitang engaged at pakakasal na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban dahil sa singsing na suot ni Angelica na nasa kanyang Instagram account, magkasamang umalis ang dalawa pa-Europe (Nice, France). Natiyempuhan sila sa airport na magkasama pero nang lapitan daw si John Lloyd ng media ay dumistansiya si Angelica.
Ipapalabas kasi sa France ang pelikula nila John Lloyd at Bea Alonzo na The Mistress at kaya naman daw kasama si Angelica ay dahil sa Kapamilya Caravan.
Sabi pa ni John Lloyd magpapasaya lang sila ng Kapamilya sa Europe.
Oki fine.
Nauna nang napabalitang binigyan ng Mercedes Benz worth more than P5 million si Angelica ng karelasyong actor.
So ang isyu ngayon, honeymoon na ito ng dalawa bilang solong-solo nila ang kanilang pagsasama sa Nice, France.
Sa kabila ng maingay nilang relasyon, wala pang direktang pag-amin sa dalawa.
Basta ang sinasabi ng actor, hindi sila nagsisinungaling sa ginagawa nila pero hindi pa ito ang tamang panahon para magsalita sila tungkol sa kanilang relasyon.
Anne, Apl.de.ap, Gerald,
nanumpang peace ambassadors!
Pinangunahan ng Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang paglulunsad ng kampanyang I am for Peace na ginanap sa Malacañang kahapon bilang bahagi ng pagdiriwang ng 9th National Peace Consciousness Month na may paksang diwang Ako, Ikaw, Tayo, Magkakaiba, Nagkakaisa sa Kapayapaan sa panga-ngasiwa ng Office of the National Peace Consciousness Month.
Dumalo sa paglulunsad ang international singer na si apl.de.ap, Anne Curtis, Noel Cabangon, at Ramon Bautista, na nangakong tutulong sila sa kampanyang ito bilang mga National Peace Ambassadors.
Kabilang din sa iba pa sa magiging National Peace Ambassadors ng OPAPP sina Epy Quizon, Gerald Anderson, Megan Young at Mikael Daez, Christian Bautista, Datu Khomeini, Ebe Dancel, Gloc9, Arnold Galang, fashion designer at Fashion Design Council sa pangunguna ng pangulong si JC Buendia, Rovilson Fernandez, Philippine Azkals, at mga komedyanteng sina Kiray at Igi Boy. Kasama rin sina Derek Ramsay, Karylle at Sam Concepcion.
“Napakagandang araw ito para sa kapayapaan,” sabi ni Presidetial Adviser on the Peace Process Teresita Quintos-Deles sa pagtanggap sa mga panauhin sa paglulunsad na ito sa kampanyang ito.
BAYAD SA SINE, P400.00 NA
Grabe, sobrang mahal na pala ng bayad sa sine ngayon. Tumataginting na P400 kaya naman maraming manonood na ang nagrereklamo.
At hindi ito foreign, local movie ito ha, The Mistress.
Kaya naman pala maraming nagsasabi na hihintayin na lang nila ang pirated copies ng ilang pelikulang Tagalog dahil nga sa sobrang mahal ng bayad sa mga sinehan.
Kung maliit lang nga naman ang kita mo, paano ka pa nga naman manonood ng sine. Siyempre mamamasahe at kakain ka pa, so imbes na ipanood mo nga naman ng sine ibibili mo na lang ng pagkain.
Kung sabagay meron ngang sinehan na P500 ang entrance. ‘Yun nga lang may kasama na ‘yung popcorn at softdrinks.
Ano ba dapat ang kalampagin sa sobrang mahal ng bayad sa panonood ng sine?
Balitang naka-P23 million ang opening day ng The Mistress. Hindi ito kaduda-duda dahil nga mahal ang sine.
Bisato d’Oro award ni Nora
sa restaurant lang talaga ibinigay
Aminado naman ang superstar na si Nora Aunor na sa isang restaurant lang talaga ginanap ang pagbibigay sa kanya ng Bisato d’Oro award na ipinagkaloob ng isang grupo ng independent film critics sa Italy para sa pelikulang Thy Womb na nakasali sa 69th Venice International Festival.
Wala naman daw siyang nakikitang masama kung sa restaurant lang ito nangyari dahil ang importante, sa kanya ibinigay ang nasabing recognition.
- Latest