May paglalagyan ng show ang winners ng Protégé: The Battle for the Big Artista
Break (kung papasok sila sa 14-18 age range) at kahit ang non winners na nasa ganung edad na kailangan sa show, puwedeng ipasok sa ibabalik ng GMA 7 na T.G.I.S.
Kung totoo, hindi na Thank God It’s Saturday ang meaning ng T.G.I.S., kundi Thank God It’s Sunday dahil sa Sunday slot ito ilalagay, ipapalit sa Mariposa nina Barbie Forteza at Derrick. Tila uulitin ng network ang success ng Tween Hearts sa T.G.I.S. na puro baguhan din ang cast.
Heto ang exciting, balitang ibabalik din ng ABS-CBN ang Tabing-Ilog at itatapat sa T.G.I.S. Isa rin sa pinakasikat na show ng Kapamilya Network ang Tabing-Ilog at dito galing ang ilan sa mga pinakasikat nilang talents ngayon.
Grupo ng young actors nayari nang mag-inuman sa hotel!
Napagalitan at sinabihang ’wag nang uulitin ng management ng isang network ang grupo ng magkakaibigang young actors dahil sa isang maling ginawa. Ang tsika, ipinadala ang magkakaibigan sa isang provincial show ng network at tuwang-tuwa ang mga bagets dahil noon lang sila nagsama-sama sa isang out-of-town gig.
Heto na, sumunod naman ang mga bagets sa utos ng kanilang handlers na ’wag na silang lumabas at matulog dahil maaga ang flight nila pabalik ng Maynila. Ang hindi alam ng handlers ng mga bagets, pag-alis nila ng kuwarto, nagkayayaang mag-inuman ang mga bagets.
Kanya-kanyang order ng drinks at pulutan ang grupo at nagkasiyahan sa loob ng kuwarto nila. Kinabukasan pa nalaman ang kanilang ginawa at hindi lang sermon ang nakuha ng mga bagets, sila rin ang pinagbayad sa kanilang bill.
Nagsisihan pa noong una ang grupo at itinurong may kasalanan ang oldest sa kanila na in fairness naman ay agad tinanggap ang kasalanan. Later on, nagkatawanan na lang ang magkakaibigan at nangakong hindi na uulitin ang kanilang ginawa.
Alden at Louise ibabalik sa hapon
Hindi mami-miss ng fans ang tambalan nina Alden Richards at Louise delos Reyes dahil ang balita, sila pa rin ang magka-love team sa next soap nila after One True Love. Kaya lang, hindi muna sila sa primetime magbibida kundi sa afternoon soap.
Siguradong hindi problema kina Alden at Louise kung ibalik sila sa afternoon time slot dahil ang iba ngang mas senior sa kanila, inilalagay din sa afternoon slot at successful pa rin ang show nila.
Habang wala pa ang afternoon soap nina Alden at Louise, patuloy muna silang panuorin sa One True Love. Na-tweet pala ng head writer na si Suzette Doctolero na baka baguhin niya ang ending nito. Ibig bang sabihin nito, hindi na tragic ang ending ng love story nina Tisoy (Alden) at Elize (Louise)?
Joshua hindi na nag-renew
ng kontrata sa GMA
Hindi na nag-renew ng kontrata sa GMA Artists Center (GMAAC) si Joshua Dionisio pero nasa Station ID pa rin siya ng GMA Network. Ibinalita rin ni Barbie Forteza na sila ni Joshua ang mga bida sa Sept. 29 episode ng Maynila.
Last appearance na ba ’yun ni Joshua o baka naman network contract na lang ang pipirmahan niya? Ang alam ng GMAAC, may offer sa ibang network si Joshua pero hindi sinabi ng parents nito kung sa ABS-CBN o TV5.
Sayang ang love team nina Joshua at Barbie, maraming JoshBie fans at tiyak na malulungkot sa pagkasira ng tambalang kanilang minahal.