Anne naghihintay lang sa alok na kasal

Wala pang plano na mag-asawa ni Anne Curtis in the very near future. Ito ang mariing pahayag niya sa launching ng kanyang newest endorsement na umaabot na ng lampas 20, ang San Mig Coffee Packs. Instant coffee ito na may apat na flavor, ang San Mig Super, San Mig Brown, San Mig White, at San Mig Chococino. And to top it all, siya rin ang kumanta ng jingle nito.

Feel ni Anne ay marami pa siyang magagawa at dahil bata pa rin naman siya kung kaya sasamantalahin muna niya ang kanyang kabataan para mas makapaghanda pa. At sinasang-ayunan naman ng kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff ang kanyang desisyon. Pero ayaw din niyang magsalita ng patapos kasi baka maramdaman nila pareho na gusto na nilang mag-asawa or baka yayain siya ni Erwan anytime now na wish niya na sana ang pinakamaagang panahon ay sa susunod na taon pa, eh go sila to walk down the aisle.

“Sa kanya dapat manggaling ang pagsi-set ng date. I may have my own plans pero kapag nagyaya na siya, ’yun na,” anang abalang artista.

NORA HINDI TINATANTANAN

NG MGA MANINIRA

Hanggang ngayon may nagne-nega pa rin sa inuwing tagumpay ni Nora Aunor mula sa Venice International Film Festival (VIFF) sa pamamagitan ng pagmemenos na hindi ang VIFF ang nagkaloob sa kanya ng kanyang best actress award kundi ang grupo lamang nga mga film critic na bumubuo sa Premio Della Critica Independente, katumbas ng Manunuri rito sa atin. Sila ang nagkaloob sa kanya ng Bisato d’Oro Award for best actress.

Ang Thy Womb din ang binigyan ng limang minutong standing ovation ng lahat ng nanood nito. Pinakamalaking attendance rin ng media people ang dumalo sa pa-presscon para rito na kung saan ay naganap na ’yung matagal ko nang pinapangarap na masaksihan sa mga international beauty pageant na sinasalihan natin, ang marinig na nagsasalita ng Tagalog ang kinatawan natin. Sa nasabing presscon, Tagalog ang ginamit na lengguwahe. Nagkaroon lamang ng interpreter na nagsalin sa Ingles ng mga pinag-usapan at kaganapan.

MARTIN AT POPS ‘DI HALOS MAKAHINGA

NANG KUMANTA SI ROBIN

Touched naman ako sa nakita kong pride kina Pops Fernandez at Martin Nievera habang pinapanood ang anak nilang si Robin Nievera na kumakanta kasama ang iba pang anak ng mga music icon sa katatapos na 4th Star Awards for Music.

Nangingilid pa ang luha ni Pops habang pinanonood ang kanyang anak habang si Martin naman ay halos hindi humihinga dahil kanta niya ang kinakanta ng anak at alam naman natin kung gaano kataas ang nota ng kanyang mga awitin. Hindi naging madali para kay Robin ang kanyang assignment pero his audience, his co-performers, at lalo na ang kanyang mga magulang appreciated his effort. Lahat sila nina Karylle, Paulo Valenciano, at Isabella ni Kuh Ledesma were acknowledged and received warmly by the SRO audience.

Show comments