Thy Womb ni Nora indie ang kategorya kaya ni-reject ng MMFF
Samantala may nagkumpirma sa akin na isang very reliable source na malapit sa mga Revilla na magkasamang nagbakasyon sa Hong Kong ang nababalita ngayong may magandang ugnayan na sina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla. Kasama nila sa kanilang bakasyon at shopping spree ang kani-kanilang mga anak. Payag na raw ang mga magulang ni Jolo na mag-asawa na ito at boto sila kay Jodi. Pero siguro ay maghihintay pa rin ang actor/politician ng ilang panahon kung gusto niyang mapakasalan ang aktres na ayaw umamin sa kanilang relasyon. Kasal si Jodi sa anak ni Sen. Panfilo Lacson at kailangan sigurong maghiwalay sila ng legal para makapagsimulang muli ang aktres.
Nabigyan pa ng pasalubong from Hong Kong ni Jodi ang gumaganap na alaga niya sa BCWMH na si Mutya Orquia ng isang Tamagochi.
Isang masaganang hapunan na ginanap sa Club Filipino ang naging pagsalubong ni Gov. ER Ejercito sa gumaganap na ikalawang asawa niya sa kanyang MMFF entry na El Presidente na si Nora Aunor. Dumating ang Superstar kasama ang mga kasamahan niya sa Thy Womb ilang oras bago ang hapunan. Binigyan ng limang minutong standing ovation ang nasabing pelikula sa Venice Film Festival na dinirek ni Brillante Mendoza at kasama rin si Lovi Poe matapos ang pagpapalabas nito. Bitbit pa ni Nora sa kanyang pagdating ang tropeo na naging sagisag ng kanilang tagumpay sa nasabing international filmfest.
Sa celebration dinner, nalaman mula kay Gov. ER na mas mahaba ang role ni Nora kaysa kay Cristine Reyes na gumaganap ng role ng first wife. Klinaro rin ng gobernador ang dahilan kung bakit hindi nakapasok sa MMFF ang Thy Womb dahil nakakategorya ito bilang indie film. Paano nga naman ilalaban ito sa maraming MMFF entry na highly budgeted? Buti na lamang at mayroong isa pang pelikula para sa MMFF si Nora na pinaniniwalaan ng kanyang kapareha na tulad ng Asiong Salonga ay maganda rin lalabas at lalaban din ‘di lang sa aktingan kundi maging sa production values. Kung ang Asiong Salonga ay ginawa in black and white, sepia ang El Presidente para mapagmukha rin itong period.
Sinusugan ni Gob. ER ang panawagan ni Nora sa pamahalaan na suportahan ang mga gumagawa ng pelikula, lalo na ‘yung mga indie filmmakers para hindi ‘yun at ‘yun lamang na mga pelikula ang nagagawa at napapanoood. Kung may suporta ang pamahalaan tulad ng ginagawa ng India at Thailand, mas maraming magagandang pelikula ang magagawa ng Pinoy, tulad ng El Presidente.
Romansa ng yaya at among mayaman, aabutin ng isang taon sa ere!
Sa kagalakan ng cast ng Be Careful With My Heart na pinamumunuan nina Jodi Sta. Maria at Richard ‘Papa Chen’ Yap, mai-extend ang prime tanghali serye, at baka umabot pa ito ng isang taon.
Dahil sa hindi inaasahang tagumpay ng palabas na nagustuhan ng mga manonood kung kaya bukod sa limang araw na pagpapalabas nito, ginawan ito ng isang oras na rewind tuwing Sabado, 10:30-11:30 NU.
Hindi pagtatakahan ang tagumpay ng serye na may pinaka-mataas na ratings sa daytime at nagbigay ng titulo kina Jodi at Richard ng titulong King and Queen of Primetime Tanghali. Bukod sa talaga namang napaka-wholesome ng palabas ay pinagagaan nito ng problema ng mga viewers. Bukod sa inspirasyon, nakararamdam sila ng pag-asa sa panonood nito.
Ang masaya pa, ramdam na ramdam ng mga manonood ang kasiyahan ng mga nasa likod ng serye, mula sa mga tao sa produksiyon hanggang sa mga artistang gumaganap dito. First time na magkaroon ng isang selebrasyon na ginawang parang isang presscon na kabilang sa humarap sa media ay hindi lamang ang mga bida ng serye kundi maging ang support cast nito, tulad ng gumaganap ng roles ng driver at katulong.
Hindi lamang naman ang tambalan nina Jodi at Richard ang buong pusong tinanggap ng manonood kundi maging ang pagkakaroon ng anak ni Aiza Seguerra na tanggap naman ng lahat ang kasarian sa tunay na buhay. Cute ito na mapanood na inaalibadbaran sa tuwing may eksena sila ni Tom Rodriguez na gumaganap na ama ng kanyang anak at sa kanyang pagbabakasyon ng isang linggo mula sa kanyang pagtatrabaho sa Dubai ay pinagkilala sila ni Kute (Aiza ‘s name in the series, short for kuya at ate) ng kanyang anak. Bagaman at nami-miss na ni Aiza ang kanyang pagkanta, welcome sa kanya ang pagtanggap ng acting roles tulad ng BCWMH.
Wala pang romansa sina Jodi at Richard na gumaganap na mag-amo. May crush pa lamang sa kasalukuyan ang yaya sa kanyang amo pero, may pagbabago na sa ilang mga tauhan. Tulad ng isa sa mga anak ni Sir Chief (Richard) na si Luke (Jerome Ponce) na friendly na kay yaya Maya (Jodi), pero si Nikki (Janelle Salvador) ay hindi pa.
Cute rin ang role ng mga gumaganap na driver na gaano man kaguwapo ay hindi pinagpapantasyahan ng mga katulong sa bahay ng mga Lim, dahil nagsisimula na silang magaya kay Maya na nagkaka-crush na rin sa kanilang amo. Cute ang lola nina Jodi at Aiza (Divina Valencia) na ayaw tawaging kute ang kanyang tomboy na apo. Mas gusto niyang tawagin ito sa napakaganda nitong pangalan na Cristina Rose. Kaka-in love ang pamilya nila sa palaging kapit bisig kahit sa gitna ng malalaking problema.
Patunay lamang marahil ng tagumpay ng BCWMH ang paglalabas ng isang 9 track album na magsisilbing official soundtrack (OST) nito.
Sa Sept. 15 ang airing ng BCWMH Rewind at malapit nang mabili ang album nila this month.
Mikael pinasaya ang mga biktima ng Marawi incident
Ang leading man ng Sana ay Ikaw na Nga na si Mikael Daez ay bumisita sa Camp Evangelista Hospital kamakailan para makapaghatid ng saya at pag-asa para sa mga battle casualties ng Philippine Army na karamihan ay biktima ng Marawi incident.
Ayon kay Mikael, napaka-enlightening ng kanyang ginawang pagbisita. “It was an eye opening experience na makita at makausap ang mga personalidad na inilaan ang kanilang buhay para makapagbigay serbisyo sa bansa,” sabi niya.
- Latest