Talagang si Rico Puno ay walang pinipiling oras o okasyon for his green jokes. Mabuti na lang at hindi live ang presentation ng Star Awards for Music. Taped as live ito, kung hindi, narinig na ’yung mga pagbibiro niya at pang-ookray sa kanyang co-presentor na si Claire dela Fuente na hindi tinanggap ng buung-buo ang kanyang mga pinagsasabi, humirit din ito kay Rico na lalo lamang nag-paalab para sa kanya manggaling ang mga huling salita.
Binabati ko ang Philippine Movie Press Club (PMPC) dahil napakaganda ng naging resulta ng ginawa nilang pagpili ng winners para sa kanilang Star Awards for Music.
Pops naiyak sa ginawa ng anak
Nakita kong nangingilid ang luha ni Pops Fernandez habang nagpi-perform ang anak niyang si Robin Nievera sa portion na kung saan mga anak ng singers ang tampok. Robin held his own against Isabella of Kuh Ledesma, Karylle of Zsa Zsa Padilla, and Paolo Valenciano of Gary V. Kahit medyo kabado ang anak ni Martin Nievera dahil kanta niya ang na-assign na kantahin, natapos ni Robin ang kanyang number ng walang masyadong problema. Napakaganda ni Karylle sa kanyang mini-formal dress at pinasaya nito ang mga nasa backstage habang nagpi-pirouette ito bago tinawag para sa kanilang number.
MTRCB chief sure na sa pagse-senador
Kasama na si Chairman Grace Poe Llamanzares ng Movie and Television Review and Classification Board sa mga senatoriables na pinili ni P-Noy na makasama sa kanyang partido para sa darating na eleksiyon. Bagama’t wala pang pormal na pagtanggap na ginawa ang anak ni Da King para tumakbong senador, mismong si P-Noy na ang nagkumpirma nito.
Klinaro pa nito na si Grace Llamanzares ang sinasabi niyang makakasamang tumakbo para sa Senado sa ilalim ng kanyang partido. Baka raw ibang Grace ang akalain nila.
O Grace, hindi na ito biro ha? Pulitiko ka na talaga. Alam ko naman na maiiba ka sa maraming pulitiko. At lahat kami will be proud of you.
Mark ina-under ni Gwendolyn
Totoo kayang nagpapa-under si Mark Bautista sa kanyang girlfriend na isang beauty queen? Ito raw ang binibigyan niya ng prayoridad at hindi ang sarili niya to the point na madalas ay naapektuhan ang work niya.
Aba, huwag naman, Mark. Ipaintindi mo sa dyowang si Gwendolyn Ruais mo na may mga tungkulin at responsibilidad ka. Baka kapag nawala ang kasikatan mo ay siya ang unang maapektuhan. Dapat suportahan ka rin niya.