MANILA, Philippines - Marami pa rin sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang problemado sa pera at baon sa utang sa kabila ng malaking kinikita sa trabaho sa labas ng bansa. Ano nga ba ang dapat gawin ng OFW at ng kanyang pamilya upang hindi mapunta sa wala ang kanyang mga sakripisyo?
Ngayong Huwebes (Sept. 13) sa Krusada, aalamin ni Henry Omaga-Diaz ang kasagutan sa kuwento ng OFW na si Bonnie Berzamina. Napagtapos niya ang kanyang mga kapatid, nakabili na ng bahay sa Pilipinas, at magtatayo na ng sarili niyang negosyo sa Canada.
Paano kaya naabot ni Bonnie, dating caregiver at ngayon ay staff sa isang pharmacy, ang tagumpay? Idinokumento ni Henry ang kanyang success story sa kanyang pagbisita sa Iqaluit, Northern Canada upang matunghayan ang pamumuhay ng mga OFW doon.
Sa halos 15 milyong OFWs na nagtatrabaho sa labas ng bansa, 30% lang sa kanila ang talagang naiaahon ang pamilya, ayon sa Atikha, isang nongovernment organization na nagbibigay-serbisyo sa mga pangangailangan ng mga OFW at kanilang pamilya. Paano nga ba ang tamang paghawak ng pera ng pamilyang naiwan sa Pilipinas upang hindi ito basta-bastang malustay?
Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, manood ng Krusada ngayong Huwebes (Sept. 13) pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26, 9:15 p.m.).