Binili at ipina-rehistro sa pangalan niya, KC niregaluhan ng 'star,' ipinalit kay Piolo mas big time!

Wow, puwede palang iregalo ang star. As in bituin sa langit. Binigyan si KC Concepcion ng ‘star’ ng kanyang manliligaw na French filmmaker na si Emmanuel Plassart na dumating sa bansa kamakailan. Nabalita na dati na karelasyon ito ni KC pero sinabi niyang wala pa silang relasyon.

“Nagbigay siya ng star. Nasa Boracay kami, we were looking at the sky. Sabi niya first time raw niyang makita ’yung mga star sa sky sa beach dito sa Philippines. Sabi niya, ‘One of those is yours.’ Sabi ko, ‘What?’ Hindi ko maintindihan. Parang binili niya ’yung star for me. So, may isang star diyan na nakapangalan sa akin daw and may certificate iyon, constellation, kung saan naka-locate ’yung star. First time. Never pa akong na­bigyan ng star,” masayang kuwento ni KC sa The Buzz last Sunday.

Pero sinabi naman niyang hindi official na pag-aari niya ang star kahit pa nakarehistro ito (under her name) sa International Star Registry.

Sinabi rin ni KC na hindi nagmamadali ang photographer-filmmaker na nakilala niya sa abroad. Pero na-appreciate niya ang ginawa nitong pagpunta sa bansa.

“Malaking bagay para sa akin na nagpunta siya sa bansa natin para bisitahin ako, punta­han ako kung saan ako kahit na ang layu-layo ng pinanggalingan niya,” sabi ng TV host-singer.

At least nalaman natin na puwede palang iregalo ang star.

I’m sure lang mahal ang pa-register nito.

Dolphy nakakadalawang buwan na, alay tawa tuloy na sa sept. 19

Dumalaw kahapon si Zsa Zsa Padilla sa puntod ni Dolphy. Dalawang buwan na kasi pala – July 10 – nang mamaalam ang Comedy King.

Halatang-halata pa ring hindi pa nakaka-recover si Zsa Zsa sa pagkawala ng kanyang lovey.

Samantala, tuloy na tuloy na ang Alay Tawa, A Musical Tri­bute to Dolphy the Philippines’ King of Comedy. Ito ay para sa Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation, Inc. na gaganapin sa Sept. 19 sa Mall of Asia Arena.

Magsasama-sama ang mga Kapamilya, Kapuso, at Kapatid – meaning, kinalimutan muna ang competition ng tatlong network sa nasabing event para sa Comedy King.

Ipapalabas din sa tatlong network ang nasabing musical tribute.

Kongresman na magse-senador grabe ang ginagawang pagpu-push ng isang network

Kamag-anak yata ng may-ari ng isang network ang isang magse-senador na congressman. Aba, suking-suki siya ng mga programa ng nasabing network. Lahat yata ng mga programa nilang kailangan ng reaction ng pulitiko, siya ang kinakausap.

Okay lang naman sana kung hindi obvious, pero halatang-halata naman na pinu-push nila. May umay factor kaya pansin na pansin.

Paano lang ’pag nanalo siyang senador? Baka magkaroon ng bayad-utang.

Show comments