Hindi ako lumalabas ng bahay tuwing Linggo pero rumampa ako noong Linggo dahil sinamahan ko si Lorna Tolentino sa guesting niya sa Game ‘N Go ng TV5.
Hitting three birds with one stone ang drama ko dahil binisita ko rin si Shalani Soledad-Romulo na co-host ng Game ’N Go, pati si Papa Joey de Leon.
In fairness, nag-enjoy ako sa studio ng Game ‘N Go dahil masaya ang kanilang mga palaro kaya naniniwala ako sa kuwento ng mga taga-TV5 na lumalaban na ang Sunday show nila sa mga noontime program ng GMA 7 at ABS-CBN.
I’m sure, na-excite si Papa Joey nang ma-sight niya ako sa studio ng Game ‘N Go. Si Papa Joey na ayaw na ayaw pala na makakarinig ng mga kuwento tungkol sa mga tao na mataas ang blood sugar level.
’Daaay, nawindang si Papa Joey habang kinakausap namin ng live si Mona Louise Rey sa guesting nito sa Startalk noong Sabado. Nagulat si Papa Joey dahil hindi niya inaasahan na may juvenile diabetes ang bagets at tungkol sa karamdaman nito ang topic. Knowing him, na-trauma-trauma si Papa Joey pero wala na siyang magawa dahil nakasalang na kaming tatlo sa harap ng mga TV camera.
9/11, 11th anniversary na
Ang bilis-bilis talaga ng takbo ng panahon. Ngayon ang 11th anniversary ng trahedya na nagpabago sa buong mundo noong Sept. 11, 2001.
Eleven years na ang nakalilipas nang maghasik ng lagim sa New York ang mga terorista.
One year na rin ang nakararaan mula nang i-treat kami ni Willie Revillame sa Macau at first time ko na sumakay sa kanyang private plane.
Nasundan pa ang mga imbitasyon ni Willie like trip to Singapore and USA pero hindi ko na napagbigyan dahil ayokong mag-absent sa Startalk. Tempting ang offer ni Willie na dodoblehin niya ang suweldo ko sa Startalk, basta samahan ko siya sa abroad pero nanindigan ako. Nanindigan daw ako o! Baka sakaling nagbago ang isip ko kung sinabi ni Wilfredo na katumbas ng 10 years na suweldo ko sa Startalk ang ibibigay niya sa akin.
Kris nag-aala Oprah na, magiging godmother sa career ng anak ni Sec. Robredo
Sino kaya ang mauuna na makainterbyu kay Jillian Robredo, ang bunsong anak ni Sec. Jesse Robredo na nangangarap na sundan ang yapak ni Kris Aquino?
Pinayagan na ni Mrs. Robredo na pumasok sa showbiz ang bagets at may balita na willing si Kris na i-manage ang career ni Jillian.
Si Kris na ba ang local Oprah Winfrey na naging fairy godmother ni Charice dahil siya ang nagbigay katuparan sa pangarap ng Filipina singer na maging international artist? Kung magiging manager ni Jillian si Kris, type kaya ni Kris na maging member ng PAMI (Professional Artists Management, Inc.)?